Chapter twelve Lunes ng gabi... Buong araw hinihintay ni Ana Maria si Kelvin dahil simula ng umalis ang lola nito hindi na niya ito nakausap ng maayos. Palagi itong umiiwas sakanya. Halos hindi rin ito lumalabas ng kwarto nito kahapon. Aaminin niya nalulungkot siya dahil sa pag-babalewala nito sakanya. Ngunit nawala na lahat ng tapang niyang ipagpilitan ang kanyang sarili kay Kelvin. Siguro lumalayo ito sakanya dahil alam nitong walang patutunguhan ang magiging relasyon nilang dalawa. Nasaan na kaya si Kelvin? Baka nam-bababae nanaman yun? Malungkot siyang napabuntong hininga habang inisip kung anong ginagawa ni Kelvin sa mga oras na ito. Nagtatrabaho padin kaya ito? Pero impossible dahil mag aalas diyes na ng gabi. Puntahan ko kaya siya? Hindi ako mapakali. Ano ba itong nararamdama