Kabanata 48 BAKIT hindi maampat ang mga luha ni Odette habang nakaharap sa anak niya? Nagpapakain siya kay Ammiry, alas otso ng umaga dahil kakagising lang nito. Sabaw naman ng baka ang ulam ng bata. “Mama, bakit ka po iiyak?” Masuyong tanong ni Ammiry sa kanya. “H-Ha? Hindi. Allergy to, anak.” “Arergy?” “Oo,” aniya rito sabay subo niya rito ng pagkain. Pagkatapos ay kinuha niya ang smartphone niya at tiningnan niya ang number ni Wolf. With what she saw, she must Let that man spend Ammiry’s medication if he was the father. Handa na siyang magpa-DNA. Maya-maya ay bumukas ang pinto at sumungaw ang mukha ng lola Ely niya. Si Merla kasi ay umuwi na bandang alas syete at hindi na hinintay si Helios. And speaking of that man, wala iyong chat sa kanya. Pihadong nasa opisina na iyon o kaya