Kabanata 36.4 HALOS mabaliw si Odette sa ospital. Dumadausdos siya sa pader habang umiiyak. Hawak niya, o mas tamang sabihin na yakap niya ang plastik na may laman na limang kwek-kwek. Hindi niya iyon magawang bitawan dahil iyon ang huling alaala ni Ammiry bago nabangga ng kotseng tila wala sa direksyon kanina. Nasa daanan sila ng tao kaya paano na umakyat ang sasakyan na iyon at tinumbok ang kanyang anak. Siya man ay natumba rin sa lakas ng impact pero nang marinig niya ang hiyawan ay para siyang natauhan. Mabuti na lang at ang mantika na natapon sa kanya ay hindi na mainit. Tapos, narinig niya ang salitang ‘bata’. “Anak…” Umiiyak na sambit niya saka umiling, “Hindi ko kaya, anak.” Wala siyang pakialam kung nililipasan siya ng mga tao sa pasilyong iyon. She was crying for her only d