Kabanata 40 HELIOS smiled at her after that kiss. Medyo kumalma siya dahil doon. Ang atensyon niya ay nabaling sa iba, at napatingala siya sa binata. “I have to leave you for a while. Babalik ako mamayang gabi, magdadala ako ng pagkain.” “Anong oras naman?” Napabuntong hininga na tanong niya rito. Natatakot siyang mapag-isa. “Miss mo ako agad?” Nakangisi nitong tanong. Hindi siya umimik pero parang ganun na nga. “I'll be back at seven. I'll just take a shower at home. May meeting lang ako ngayon na hindi pwedeng sa virtual gawin. I have to meet them personally. Will lola Ely be here?” Tumango siya, “Magdadala rin siya ng pagkain. Nag-asikaso raw siya ng tulong sa ahensya ng gobyerno.” “Oh, don't. Ako na ang bahala. Mapapagod pa si lola, kawawa naman. Lahat gagastusan ko. Gasino na