Special Chapter “ANAK!” malakas na tawag ni Odette kay Ammiry nang magising ito. Eksakto na kalalabas naman niya ng banyo, nakatapis ng twalya. “Morning, babe,” nakangiti niyang sabi rito. Pangatlong araw nila sa mansyon ngayon. Tahimik sila. Tahimik siya. Binisita na sila ni Mang Agosto at natawagan na rin ni Odette ang tiya nito at si lola Ely. Alam ng dalawa na nasa poder niya ang kanyang mag-ina. “Chillax, babe,” aniya saka lumapit dito at hinalikan ito sa labi. “Natatakot ako,” mukhang kinakabahan na sabi nito sa kanya. “You don't have to. Everything is under control. Our baby is just downstairs. She's with a visitor.” “Visitor?” Nagsuot siya ng short at polo, tapos ay nagsuot siya ng sapatos. Panatag na panatag ang kalooban ni Helios kahit na may mga problema siyang nirereso