GAVIN POV ABALA na kami rito sa company ni Garvin nang maihatid namin sa campus si Laura. Kinabahan pa nga kami dahil inaasar lang niya kaming dalawa. Simula noong naging okay na muli kaming dalawa ay gumaan ang pakiramdam ko. Fuck! Ganito pala kapag walang problema. Ganito pala kapag maayos kaming dalawa ni baby. Gusto ko ngang hindi pumasok today at alagaan lang si baby sa bahay, pero may seminar silang need asikasuhin and kami naman ni Garvin ay may need tapusin na project, may malapit ng matapos ngayong buwan, kaya iyon ang inaasikaso naming dalawa. Napalingon ako kay Garvin nang mag—ring ang phone niya. “Si baby?” tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kanya. Chineck niya ang kanyang phone. “Ah, yeah. Si baby Laura nga!” sabi niya na agad niyang dinampot ang kanyang pho

