LAURA POV BUMALIK si Ninong Garvin na mukhang hindi niya nakausap si Ninong Gavin. “What? Nakausap mo ba, daddy Garvin?” tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin. “No, baby inaanak. Nasa ibang relatives namin sila, pero hindi nila kinakausap si Joson.” Napanganga ako sa kanyang sinabi. “Iyong kamay ng Joson na iyon... Nasaan?” tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. “Hindi ba niya tinatanggal ang kamay nuʼn sa braso niya?” Tumataas na ang boses ko dahil sa inis at selos na nararamdaman ko. Oo, inaamin kong nagseselos talaga ako. Kaya naman nilang alisin iyon, pero bakit hindi niya magawa. Kaya rin nilang palayasin iyon dito sa party ng Lazaro, pero hindi nila magawa dahil may invitation card na hawak. “Baby inaanak, Iʼm sorry—” “Donʼt talk to me. Mainit ang ulo ko n

