LAURA POV NANG matapos naming maipakilala si Diane kay Mr. Karter Diaz ay kilig na kilig ang gaga kong pinsan. Alam kong crush niya talaga ang coach ng basketball team kaya hinayaan namin siyang mabaliw kanina. Halos mahimatay nga siya dahil ilang beses siyang kinawayan at kinausap. Kulang na lang ay bumukaka na rin siya sa harap ni Mr. Karter kanina. Kerengkeng din talaga ang pinsan kong iyon. Kanina pa ba magmamana? “Ano, Diane? Mas lalo ka bang na—in love sa malayo naming kamag—anak na si uncle Karter?” tanong ni Francheska sa pinsan ko. Nandito na kami sa private canteen dahil tapos na ang practice ng basketball team. Akala ko ay nakakahiyang manood ng practice dahil iniisip ko na baka kami lamang ang nandoon, pero mali ang iniisip ko. Ang daming mga babae at binabae ang nanonood

