LAURA POV MABILIS akong tumakbo papunta sa room ko, nadaanan ko pa nga si ate Regine, nakita ko ang gulat sa mukha niya. “M—Miss Laura.” Narinig ko pa na sinabi niya ang pangalan ko, pero dire—diretso na ako dahil naririnig ko ang boses nina Ninong Garvin and Ninong Gavin. “Laura!” sabay pa nilang tawag sa akin, pero hindi ako nakinig sa kanila. Pumasok ako sa loob ng room ko at ni—lock ko iyon, double lock. Napaupo ako sa likod ng pinto, napatakip ako sa aking mukha at hindi ko namalayang nag—uunahan na pa lang tumulo ang luha sa aking mga mata. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Galit na galit ako. “B—baby, Iʼm really sorry. Tama ka, h—hindi ko naisip ang bagay na iyon dahil nasa isip ko that time ay protektahan ka... I—I swear, w—wala akon

