CHAPTER 2

1963 Words
LAURA POV MABILIS akong lumabas sa bahay namin kahit nalalagkitan ako dahil hindi ako naghugas ng aking kepyas, tanging tissue lang ang ginamit ko. “Sandali lang po,” malambing na sabi ko. Pa—demure na ako ngayon, mahinhin at maamo na Laura. “Laura? Laura?” Narinig ko ang boses ni tito Anthony na isama pa ang malakas na katok mula roon. Binuksan ko ang pinto at nakita kong basang—basa siya. “Um, tito Anthony, bakit po? Wala pa po sila Papa rito—” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang makita kong sumisinghot siya. “Umiiyak po ba kayo? Bakit naman po kayo umiiyak?” tanong ko sa kanya. “Sumama ka sa akin, Laura. Patawad, pamangkin.” Humihikbi niyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung anong mayroʼn, pero bago ako sumama ay kumuha ako ng payong at muling lumabas. Nakita ko roon si tita Dina na kanyang asawa, kapatid ni Mama si tito Anthony. Umiiyak din si tita Dina. “Ano po bang nangyayari? Bakit umiiyak po kayo?” tanong ko sa kanila. Napapalunok na ako kahit tuyot na ang aking laway. Hindi sila sumasagot sa akin kaya lalo akong kinabahan. Mabilis kaming sumakay sa e—bike namin, isa ito sa pundar nila Papa dahil sa pagbenta ng aming mga tanim. Sa susunod nga ay four wheels na ang bibilhin niya kaya nag—iipon talaga siya. “Saan po ba tayo pupunta, tito Anthony?” tanong ko sa kanya. “Patawad, Laura. Patawad talaga.” “Naguguluhan po ako kung bakit humihingi kayo ng sorry sa akin. Ano po ba talaga nangyari?” tanong ko sa kanila at napatingin ako kay tita Dina. “M—may nangyari po ba, tita Dina?” Tinignan niya ako at muling umiwas. Bakit ayaw nilang magsalita. Nakarating na rin kami sa palayan namin. Nakita kong ang daming nakapalibot na mga tao. “Anong mayroʼn? May malaki bang tubo sa mga pananim natin kaya ang daming tao?” tanong ko sa kanila, pero muling tikom ang kanilang mga bibig. Bumaba kami nang huminto ang e—bike. Napatingin sa amin ang mga tao at saka nagbulungan. Lumakad kami papasok hanggang sa may kubo na binili ni Papa. Doon ay may nakita akong dalawang taong nakahiga. “A—anong mayroʼn?” Nanginginig kong tanong. Ang mga paa ko ay humahakbang pa rin habang nakita ko ang mga tauhan naming nag—iiyakan na nakatingin sa dalawang taong nakahiga sa sahig ng kubo namin. Pumasok ako sa loob at ang kamay ko nanginginig nang buksan ko ang nakatabing sa isa sa mga katawan nito. Doon ay halos mapaupo ako nang makita ang sunog na katawan ni Papa. “P—papa. . .” Banggit ko sa pangalan niya. “A—anong nangyari?” malakas kong sigaw at binuksan din ang isa pang nakatabing, doon ay halos bumagsak ang mundo ko nang makitang wala na ring buhay si Mama. “Mama!” Halos isigaw ko ang lahat nang makitang nakaratay rito ang magulang ko, sunog sila pareho. Napatingin ako kina tito Anthony and tita Dina na patuloy ang pag—iyak nila. “A—ano pong nangyari? B—bakit malamig na bangkay na ang magulang ko?” Naiiyak kong tanong sa kanila habang nanginginig ang buong kalamnan ko. “M—may kidlat na tumama rito, pamangkin. Sobrang bilis kaya nagtakbuhan kami palayo sa palayan pero nahuhuli si Juanito, eksaktong kadarating lamang ni Lara at tumakbo siya papunta kay Juanito, pinigilan ko ang kapatid ko, Laura. . . Hindi ko naabutan ang paghawak ko sa kamay niya dahil sobrang bilis niyang tumakbo lalo naʼng makita niyang nangisay si Juanito. S—sunod ko na lang na nakita ay maging siya ay nangisay na. Walang makalapit dahil basa iyong palayan sa sobrang lakas ng ulan na bumuhos kanina. L—lahat ay natakot na matamaan sila ng kidlat. Patawad, pamangkin. Patawad. Hindi ko nasagip sina Juanito at Lara!” Naiiyak ni tito Anthony habang hawak ang paa ng magulang ko. “Mama! Papa!” malakas ko pa rin ang iyak ko habang yakap ang bangkay nila. Patuloy na umaagos ang aking luha. Tuloy—tuloy pa rin ang pag—agos ng aking luha kahit dumating na sina Loloʼt Lola na umiiyak din. “Lara! Juanito!” Hinagpis na sabi ni Lola at niyakap niya ang walang buhay na katawan ni Mama. Nakarinig na ako ng tunog na ambulance at nakita ko ang mga taong nakasuot na green na damit. Kinuha na nila ang bangkay ng mga magulang ko. Nakita ko pa ang sunog na sunog nilang katawan. “Ma... Pa...” tawag ko sa kanila habang walang luhang tumutulo sa aking mga mata. Wala na dahil panay ang agos nito kanina. Si Lolo ang sumama sa ambulance at ako naman ay naiwang tulala rito sa kubo. “Apo, kailangan nating umalis.” Tinignan ko si Lola. “Lola, masaya pa kami ni Mama na nag—uusap kanina. Nangako akong bibilhan ko siya ng lupa sa bayan para magkaroon siya ng pinapangarap niyang mini grocery store.” Pinunasan ko ang mga mata ko. Napasinghot din ako. “Pero, bakit binawi agad niya. Ga—graduate rin ako next year at sa Manila magta—trabaho para roon sa pangarap niya. Maging iyong four wheels ni Papa ay ako na rin ang bibili. Pero, bakit ang daya naman?” Panay ang punas ko sa aking mga mata. Niyakap ako ni Lola. “Apo, may purpose ang lahat, ha? Masyadong mahal ni Lara ang Papa ko kaya kahit masakit ay tutulungan pa rin niya ang Papa mo, Laura.” mahinang sabi ni Lola sa akin. Sinabi na rin ni tito Anthony sa kanila kung anong nangyari sa magulang ko. “Huwag kang mawalan ng pag—asa, apo. Nandito kami ng Lolo, tito at tita mo na aalagaan ka, ha? Huwag kang mawalan ng pag—asa. Umuwi na muna tayo para makakuha tayo ng damit na susuotin nila.” Tinignan ko si Lola. “I—iyong pangkasal nila, Lola. I—iyong na lang ang isuot nila. For life and death ay magkasama silang dalawa. N—nandoon sa tukador iyong ginamit nila sa kanilang kasal.” “Apo, ikaw ang susunod na gagamitin nuʼn.” “Alam ko pong sa akin ang ipapamana ang damit na iyo, Lola. Pero, hindi sa akin bagay iyon. Kay Mama lamang. Kaya iyon na lang ang suotin nila. G—gusto ko ring kumuha ng matinong magma—makeup sa kanila, maging tarpaulin nilang dalawa. Gusto kong maging maayos ang lamay nilang dalawa,” sabi ko. Kahit wala na sila ay gusto kong maging komportable silang dalawa. Totoo ang forever, ang parents ko ang gumawa nuʼn. Sinamahan ni Mama si Papa hanggang sa kamatayan. Alam kong masakit para sa akin ito, pero alam kong masaya naman silang kung nasaan sila ngayon. Isang araw ng nakalibing sina Mama at Papa. Ang isipan ko ay hindi pa rin ma—proseso ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwalang patay na sila na parang kahapon lamang ay nag—uusap kami ni Mama about sa pagwork ko sa Manila next year, about sa pinangako kong mini grocery store para sa kanya... Pero, lahat ng iyon ay naglaho ng parang bula. Alam kong sobrang lungkot ko ngayon, pero alam ko ring nasa paligid ko lamang sila at babantayan ako. Naniniwala akong may plano ang Diyos kaya hindi ako galit, nasaktan lang kasi ang bilis nilang nawala sa akin. Alam ko namang lahat ay mamamatay, pero hindi pa ako handang mamatay sila. Hindi pa. Wala pa akong naibabalik sa kanila, sa lahat ng ginawa nila para sa akin. Hindi ko nasusuklian ang pagpapaaral nila sa akin, ang pagmamahal at higit sa lahat, lahat ng sacrifice na kanilang binigay. Kaya hindi pa ako handa. Iyon siguro ang nasa isipan ko. Sana binigyan pa sila ng two years bago sila kunin. Two years pa para makabawi ako sa kanilang ginawa, pero wala na. Kinuha na sila. Napatayo ako at tinignan ang kanilang kabaong. Gusto ko sanang iisang kabaong na lamang at magkasama sila roon, pero hindi raw pʼwede kaya magkaibang kabaong sila pero iisang design. “Ma, Pa, sana ayos lang kayo ngayon. Ayos lang ako. . . Kahit umiiyak ako, hindi ko pa tanggap, pero matatanggap ko rin ito. Iyong pinangako kong mini grocery store, Mama? Tutuparin ko pa rin iyon, pangako. Kaya mag—aaral pa rin akong mabuti at mag—iipon para makabili ng lupa sa bayan. . . Ipapangalan ko iyong mini grocery story ng LJL Mini Grocery, pangalan nating tatlo. Tutuparin ko para matuwa ka habang nasa langit kayo ni Papa. Miss na miss ko na kayo,” sabi ko sa kanila habang parehong hinihimas ang kanilang kabaong. “Ate Laura! Aling Carmen! Mang Anton!” May narinig kaming tumatawag sa pangalan namin. Napalingon ako at nakita ko ang mga bata sa barangay namin. “Anong kailangan ninyo?” tanong ko sa kanila nang makalapit sila sa akin. “M—may d—dalawang lalaking naka—Americana roon! Tapos tinanong nila name ng Papa mo, ate Laura! Kaya tinuro nilang buknoy kung nasaan kayo tapos kami ay tumakbo para sabihin sa inyo!” malakas niyang sabi habang hinihingal pa. “Dalawang lalaking naka—americana?” takang tanong ko sa kanila. Tumango sila sa akin. “Opo, ate Laura! Ang gwapo nga po ng dalawa tapos magkamukha sila. Nalilito nga po kami kung sino ang nagsasalita. May kamag—anak po ba kayo sa Manila, ate Laura? Painom pong juice!” malakas niyang sabi at kumuha ng juice sa mineral na lalagyan na tig—25 pesos. Umiling ako sa kanya. “Wala kaming kamag—anak sa Manila. Sa side nila tita Dina ay mayroʼn pero kami ay wala. Wala ring kamag—anak si Papa. Matagal niyang ulilang lubos si Papa at ang nag—iisang kapatid niyang babae ay nasa Samar, hindi nga makakapunta dahil may sakit din ito at kapos sila pera, kami ang gagastos ng pamasahe sana nila pero ayaw na niya dahil mahina na raw siya, panganay kasi iyon. “Laura, anong sinasabi ni Tonton sa iyo?” Nakita kong lumabas si Lola galing loob namin, nagluluto sila ng kakainin dahil magkakaroon ng pabasa sa unang araw nina Mama at Papa. “Ah, may dalawang naka—americana raw po na nagtanong sa pangalan ni Papa. May kamag—anak po ba tayo sa Manila, Lola?” tanong ko sa kanya. Hindi pa ako nakapupunta sa Manila, tanging sa kabilang lalawigan lamang ang Lucena. May mall na rin kasi roon at wala kaming kamag—anak sa Manila. Magta—trabaho ako roon next year pero sa kamag—anak ni tita Dina tutuloy, may boarding house kasi silang business. “Baka sila—Garvin and Gavin!” sigaw ni Lola nang makita ang dalawang lalaking matangkad. Hindi ko pa nakikita ang mukha nila dahil sobrang layo pa nila at napapalibutan sila ng mga bata, maging si Lolo ay nandoon. “Garvin and Gavin, Lola? Sino iyon?” takang tanong ko sa kanya. “Ate Laura, sila ang sinasabi ko pong naka—americana. Ang gwapo po nila tapos amoy mayaman. Mayaman po pala kayo. Oo nga po pala, mayaman nga pala kayo dahil may palayan kayo,” sabi ni Tonton sa akin, ginulo ko ang buhok niya. “Apo, ipapakilala kita. Matagal kong hindi sila nakita simula nang makilala sila ng Papa mo. Tara rito.” Matagal? Kilala sila ni Papa? Paanong nangyari iyon? Boss kaya ni Papa ang mga ito dati?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD