LAURA POV NATAPOS na rin ang meeting namin, inabot kami ng limang oras dahil pino ang meeting at nagkaroon na agad ng team kung sino ang gagawa ng printed invitations and tarpaulin, magde—design ng stage, maghahanap ng speaker at iba pa na need gawin sa isang seminar. Lahat ng iyon ay tinalakay na namin dahil halos may isang linggo na lang kami for the preparation ng aming seminar. Double kayod na kaming lahat. “So, girls, chat—chat na lang tayo for the design, ha?” malakas na sabi ni Francheska. Sa design kami nilagay dahil artistic kaming tatlo, may kasama pa naman kaming pito pa at may tokang inassign na sa amin. Tatlo sa amin ang bibili ng mga gamit na kailangan namin then ang iba ang magda—drawing para mabuo ang design namin. Lahat kami tulong—tulong na para matapos ang first se

