ALL OF ME CHAPTER 19

1296 Words
ALL OF ME 19 Kahit papaano ay naikubli ni Rhie ang lungkot at sakit na naramdaman. Pinilit niyang naging masaya sa harap ni Romeo. Nagpakatatag siya, maging sa kanyang sarili ay humanga siya. Nagawa niyang maging kalma sa kabila nang lahat. Huminga siya nang malalim. Kay mo 'yan, Rhie ani niya sa kanyang isipan. Nang magsawa sila ni Romeo ay nagpunta naman sila sa goalf gym. Naglaro silang dalawa. Panay ang kantiyawan nila ni Rom. "Naalala mo noong kumpleto pa tayo?" Tanong ni Rom sa kanya. "Oo! Laging kulelat si Erickson," sagot ni Rhie. Tumawa sila pareho. "Pero, ano nga bang nangyari sa inyo at nagkalabuan kayo?" Muling tanong nang binata. "Naging busy kami pareho eh! Mas inisip mga career namin. Kaya ngayon, balik strangers ulit kami." Malungkot na tugon ni Rhie. "Oo nga eh! Buti na lang nandito ako," wika ni Rom at kinindatan siya. "Oo na! Ano? Saan next nating target?" Turan niya. "Punta tayo sa karaoke bar! Magaling ka naman kumanta," sabi ni Rom. "Anong oras na ba?" Tanong niya sa binata. "Naku! Papahapon na pala, baka hindi na kayanin." Bulalas ni Rom. "Wait lang, tatawagan ko siya." Tugon niya rito. Inilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang asawa. Hindi ito sumasagot kaya, ang opisina nito ang tinawagan niya. "Hello! May I help you?" Wika ng nasa kabilang linya. "Nandiyan ba ang Sir niyo?" Tanong niya sa sumagot. "Naku! Nagmamadaling umalis kanina, ano pong kailangan nila?" Sagot ng babae. Natigilan siya at saglit na natulala. "Wala ba siya?" Untag ni Rom. Napalingon siya sa binata. "Ah, marami raw kausap." Pagsisinungaling niya. "Ganu'n ba! O, ano tuloy ba tayo?" Sabi ng binata. "Oo! Tuloy tayo!" Bulalas niya. Nagpaalam siya saglit kay Rom at tinungo niya ang kanyang sasakyan. Pumasok siya at agad binuksan ang kanyang laptop. Nakita niyang katulad nang dati, naroon ang kanyang asawa. Nakadama siya nang pagngingitngit. Ipinangako niyang pupuntahan niya ang lugar na iyun, balang araw. Magkakaharap din sila ni Bianca, one of these days. Nagbalik siya sa kinaroroonan ni Romeo. Nakangiti pa rin ito sa kanya. Si Romeo na kahit pa noon ay suportado sa kanya. Dangan lamang at iba ang tinitibok ng kanyang sutil na puso. "Ano? Arat na!" Masayang sabi ni Rom sa kanya. "Let's go!" Sagot niya. At magkasabay na silang nagtungo sa kani-kanilang kotse. Ilang minuto lang at nakarating na sila. Masayang pinalibot ni Rhie ang kanyang paningin. "Namiss ko rito ah!" Wika niya. "Ano pang hinihintay mo, pasok na tayo." Yaya ni Rom. Nag-unahan silang pumasok sa loob. Kumuha sila ng space at nag-order. Dalawa lang sila sa loob ng space kaya komportable siya. Nag-order sila ng pulutan at maiinom. Soju ang iniinom nilang dalawa. "Huwag ka masyadong uminom baka magalit si Erickson," sabi ni Rom sa kanya. "Do't worry ngayon lang ito," sagot niya. Nagsimula na silang kumanta at uminom. Pasayaw-sayaw pa silang dalawa. Hindi na rin napapansin ni Rom na mas marami na ang nainom ni Rhie. Muli pang nag-order si Rhie kahit tutol ang binata. "Tama na 'yan, Rhie at baka mapagalitan tayo ng asawa mo!" Pang-aawat ng binata sa kanya. "Hindi! Okay lang sa kanya, 'wag kang mag-alala." Tungayaw ni Rhie na mukhang lasing na. "Tsk! Baka lagot ako neto, eh!" Umiiling na sabi ni Rom. "Shhh! Wala namang pakialam sa akin 'yun, alam mo ba?" Sabi ni Rhie na mapungay na ang mga mata. Hindi umimik si Rom. "Mas madalas pa siya sa babae niya! Kahit nagmumukha na akong tanga, hik! Sige pa rin ako sa paghihintay, hik." Turan nito. "Alam ko kung saan 'yun, hik pero ayoko munang puntahan, alam mo 'yun?" Hilong-hilo na si Rhie. Nasabi na niya lahat nang kanyang hinanakit kay Rom. "Alam mo bang ang shaket? Ang shaket shaket, pero binabalewala ko lang hik." Patuloy ni Rhie saka nalaglag ang kanyang mga luha. Halos madurog naman ang puso ni Rom sa nakikita kay Rhie. "How long his doing this to you?" Mahinang sabi ng binata. "Gushto ko na shumuko, pero kashi ito eh! Ito kashi!" Bulalas ni Rhie sabay turo sa dibdib. "Tama na," awat ni Rom nang akamang tutungga na naman ang dalaga. "No!" Tutol ni Rhie at muling uminom. Pinanood lang siya ni Rom hanggang sa makatulog sa kalasingan. Marami pang sinabi si Rhie na kahit mahina lang ay dinig na dinig niya. Naikuyom niya ang kanyang kamao. At nagtagis ang kanyang mga bagang. Tinawagan niya ang kanyang personal driver para kunin ang kanyang sasakyan. Minaneho naman niya ang Ferrari nina Rhie. Ihahatid niya pa rin si Rhie sa condo nang mag-asawa. Subalit tinawagan niya muna si Erickson. "Bakit?" Tanong agad ni Erickson sa kanya. "Nasaan ka?" Tanong din niya rito. Bumuntong-hininga si Erickson. "I'm here at Bianca's place," mahinang sabi nito. Hindi nakapagsalita ang binata. "Hindi mo ba inaalala si Rhie?" Tanong na naman ng binata na pinipigilan ang galit. "She can manage, depress kasi si Bianca kailangan may magbantay sa kanya!" Muling sagot ni Erickson. "Dammit! Wala ka bang awa sa kanya!" Galit nang turan ni Rom. "Ano bang problema mo!" Pagalit ding sabi ni Erickson. "Fine! She will stay with me tonight!" Inis na wika ng binata. "What! Kasama mo pa rin siya hanggang ngayon?" Gulat na bulalas ni Erickson. "Yes! Ang she is drunk, because of you!" Mariing wika ni Rom. Hindi nakaimik si Erickson sa kabilang linya. "Iuwi mo siya sa condo! Uuwi na ako," matigas na tugon nito. Hindi na sumagot si Rom. Pinasibad niya ang sasakyan. Taas-baba ang kanyang dibdib sa nararamdamang galit. Halos panggigilan niya ang manibela. Tumigil lamang siya nang makitang nauuntog si Rhie nang malakas. Dahil sa bilis nang kanyang pagpapatakbo. Nakarating din sila sa wakas. Binuhat niya si Rhie at sumakay sila elevator. Tinungo niya ang condo nang mag-asawa. Dinukot niya sa bag ni Rhie ang susi. Nabibigatan siya kahit papaano. Maliit nga ang katawan nito pero mabigat, matangkad kasi. Bubuksan na sana niya nang bumukas iyun. Naroon na pala si Erickson. "Akin na siya at ipapasok ko siya sa kwarto," malamig na sabi nito kay Rom. Pahablot na kinuha niya ang asawa mula sa binata. Pagkalipas nang ilang minuto ay lumabas si Erickson. "Bakit mo siya hinayaang uminom?" Tanong ni Erickson kay Rom. "Kahit naman pigilan ko kung desidido siya, wala akong magagawa." Malamig ring sagot ni Rom. "Sinadya mo ba ito, ha?" Tanong ni Erickson na tila inis. Tumingin si Rom sa kanya nang tuwid. "Sinadya? Ikaw, sinadya mo rin bang muling balikan si Bianca?" Inis na ring tanong ni Rom. Biglang hinawakan ni Erickson ang kuwelyo ni Rom. Saka tinitigan nang matiim. "Wala ka na roon! Ang isyu sa aming dalawa lang iyun," mariing wika nito sa binata. "Bakit mo pa siya pinakasalan kung sasaktan mo lang ang kanyang damdamin?" Sagot ni Rom. "Labas ka na roon! Ginusto niya iyun, puwes! Magdusa siya," galit na tugon ni Erickson. "Baliw ka pala eh! Alam mo bang alam niya lahat nang pinaggagawa mo? As in lahat- lahat! May narinig ka ba sa kanya? Nagreklamo ba siya sayo? Hindi 'di ba?" Sunud-sunod na sabi ng binata. Natigilan si Erickson at hindi nakasagot. Nabitawan niya si Rom at tumalikod siya sa rito. "Umalis ka na," mahinang sabi niya kay Rom. "Hindi siya tanga! Kinikimkim niya lang lahat nang sama ng kanyanv loob!" Pagpapatuloy ni Rom. "Bingi ka ba? Sabi ko umalis ka na!" Sigaw ni Erickson. "Oo! Aalis ako! Pero tandaan mo, kung hindi mo siya kayang mahalin at pahalagahan ibalik mo siya sa akin." Seryosong sagot ni Rom. Pagkasabi niyon ay umalis na ito nang walang paalam. Sinabunutan naman ni Erickson ang sariling buhok. Napaupo siya sa sofa at pumikit. Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido. Hapong-hapo ang kanyang pakiramdam, para siyang nanghihina na hindi alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD