ALL OF ME CHAPTER 13

1006 Words
ALL OF ME 13 Magdamag naghintay si Rhie sa asawa. Nakatulog na nga ito sa sofa dahil sa paghihintay nito. Natigilan naman si Erickson nang makitang nakatulog ang kanyang asawa sa sofa. Madaling araw na kasi at ngayon lang siya nakauwi galing kay Bianca. Tila nahabag siya sa asawa at binuhat niya ito papasok sa silid nila. Bumuntong hininga ito habang pinagmamasdan ang asawa. Ang tiyaga namang naghintay sa akin, bulong niya sa sarili at tinabihan niya ito sa pagtulog. Mataas na ang sikat ng haring araw nang magising si Rhie. Medyo masakit ang kanyang ulo dahil napuyat siya kagabi. Bumalikwas siya nang bangon. Nagtaka siya kung bakit naroon na siya sa silid nilang mag-asawa. Nakita niyang magulo ang unan sa kanyang tabi, indikasyon na natulog din ang kanyang asawa sa tabi niya. Dali-dali siyang bumaba sa kama at mabilis na lumabas. "Ickson!" Tawag niya asawa. Ngunit wala ito sa sala maging sa veranda. Nanghina siya bigla at umupo siya sa may sofa. Nahagip nang kanyang tingin ang mga pagkain sa mesa na nasa kusina. Nilapitan niya iyun at tiningnan. Pritong itlog iyun at ham, may kasamang sinangag na kanin. Napangiti siya, umuwi nga ang kanyang asawa kagabi. Siguro hindi na niya namalayan. Nakita niya ang note ni Erickson sa harap ng fridge. Salamat sa paghihintay, Erickson. Yun ang nakasulat. Kinilig siya kahit sulat lamang iyun. Umupo siya at nilantakan ang kaning niluto ni Erickson. Inubos niya lahat iyun. Tumunog ang kanyang selpon at agad niya iyung sinagot. "Hi! Gising ka na pala," si Erickson ang nasa kabilang linya. "Oo! Salamat sa agahan," masayang sagot niya. "Next time, don't wait me para hindi ka mapuyat." Turan ng asawa. "Okay lang! Saan ka nga ba pumunta kagabi?" Sabi niya rito. Tumahimik si Erickson sa kabilang linya. "Eat your food, baka gabihin ako ngayon pumasok na kasi ako." Paiwas na wika ng binata sa tanong ni Rhie. "Sige, ingat." Mahinang tugon niya. Nalungkot siya sa narinig pero wala siyang magagawa. Naglinis siya nang bahay at naglaba. Gusto niya kasing may ginagawa. Natigilan siya nang makita ang damit ni Erickson kagabi. Sinipat niya iyun at nakita niyang may mga bahid ng lipstick. Kinabahan siya. Inamoy niya iyun at naghalo ang pabango ng kanyang asawa sa ibang pabango. Kumurap-kurap siya at napasandal sa may pader. Tumunog muli ang kanyang selpon. Natataranta siyang kinuha iyun at sinagot. "Iha, kumusta naman kayo ng asawa mo?" Tanong agad ng kanyang mommy. "Ah, okay naman ho 'wag po kayong mag-alala." Pagkakila niya sa ina. "I'm so glad to hear that iha, anyway nasaan ba siya?" Tanong ng kanyang ina. "Ahm, naliligo siya mommy may pupuntahan po kasi kami." Muli niyang pagsisinungaling. "Wow! Okay baby, enjoy yourselves!" Masayang sagot ng mommy niya at nagpaalam na ito sa kanya. Gusto niyang umiyak ngunit pinigil niya. Huminga siya nang malalim at binalikan ang kanyang mga labahin. Sakto namang may nag-doorbell. Tinungo niya ang pinto at binuksan iyun. Si Aling Marie ang nasa labas ng pinto. Niyaya niya itong pumasok. "Magandang araw, Ma'am." Nakangiting bati sa kanya ng matanda. "Magandang araw naman po," nakangiti niyang sagot. Napansin ni Aling Marie na tila maglalaba siya. "Ako na lang po! Trabaho ko po 'yan," sabi nito sa kanya. Tumawa si Rhie at naaliw sa matanda. "Okay lang ho! Naglinis na rin po ako, kaya sige kayo na lang po ang maglalaba." Payag na tugon niya. "Ay! Sige po, thank you!" Hagikhik na wika ni Aling Marie. Nagtungo na ang matanda sa washing area. Pumasok naman siya sa loob ng kwarto. At doon nalaglag ang kanyang luha. Hindi niya kasi kayang hawakan ang damit ng asawa. Napasinghot siya. Napaigtad siya ng makarinig ng ringtone galing sa selpon. Hinanap niya iyun. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang tunog. Nakita niya ang isang cp sa closet ni Erickson. Nasa bulsa ito ng pantalon ni Erickson. Kinuha niya iyun at sinagot. "Hi! Baby, bakit mo ako iniwan nang hindi ka nagpapaalam?" Boses ng isang babae. Hindi siya sumagot. Nanatiling nakikinig lamang siya. "Pumasok ka na ba sa office mo?" Malambing na tanong ng babae. Nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang selpon. "Hey! Are you listening or kasama mo ang iyong asawa?" Mataray na wika ng babae. Pinatay niya ang selpon at ibinaba. Nanghihina siyang napatalungko sa sahig. Naalala niyang tingnan ang lahat ng laman ng selpon. Binuksan niya lahat ng apps. Tumambad sa kanya ang napakaraming larawan ng kanyang asawa kasama ang isang babae. Maaring ang iba hindi pa sila kasal nang makuhanan ang mga iyun. Pinakatitigan niya ang mukha ng babae. At naalala niyang nakita na niya ito sa isang restaurant. Kasama pa niya noon ang kanyang asawa. Tiningnan niya ang pangalan nito sa call logs, nakita niyang Bianca ang nakalagay. Dahan-dahan niyang ibinalik ang selpon sa loob ng pantalon ni Erickson. Memorize na rin niya ang number ng babae. Natulala siya sa isiping nanggaling pala ang kanyag asawa sa isang babae kagabi. Kaya pala bigla itong nawala. At siya naman si tanga, may pag-aalala pa siyang naghihintay sa wala. Nauntag siya dahil sa mga katok. "Maam! Kapag nagutom kayo, puwede na kayong kumain." Boses ni Aling Marie. "Sige ho!" Sagot niya sa matanda. "Okay po, magsasampay na lang po ako at uuwi na," wika ni Aling Marie. Pinahid niya ang kanyang luha at binuksan ang pinto. Pinilit niyang ngumiti. "Salamat po, kailangan niyo po ba ng cash?" Tanong niya sa matanda. "Ay, hindi po! Nabigay na po ni Sir advance pa nga po eh!" Nakangiting turan nito sa kanya. "Ganu'n po ba? Maraming salamat po," kimi niyang tugon. Hindi nagtagal ay umalis na nga si Aling Marie. Mag-isa na lamang ulit siya. Tahimik muli ang paligid na gusto rin niya dahil nalilito siya ngayon. Nagdurugong muli ang kanyang puso, ganito ba talaga ang kahihinatnan nang relasyon nila ni Erickson? Hindi na ba niya naaalala ang kanilang matamis na nakaraan? Pabagsak siyang nahiga sa sofa at pumikit. Gusto niyang kalimutan ang kanyang mga iniisip. Kahit sa pag-idlip lamang niya ay masaya na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD