ALL OF ME CHAPTER SIXTEEN

1220 Words
ALL OF ME 16 Pagkatapos kumain ang mag-asawa ay magkasabay ding bumalik sa RER building. "Anong dala mong sasakyan?" Tanong ni Erickson kay Rhianna habang nasa maindoor na sila ng building. "Yung Ferrari mo," maikling sagot niya. Sasagot pa sana si Erickson nang tumunog ang selpon nito. Inilabas iyun ng lalaki at nagmamadaling lumayo kay Rhie. Nakilala naman agad ni Rhie na ang selpon na iyun, ay ang naiwan ng kanyang asawa kahapon. Napalunok siya at naglakad palapit sa asawa. "Bakit ka tumawag?" Narinig niyang sabi ng asawa. "I'm busy right now! Babawi na lang ako, one of this days!" Muling sabi ng kanyang asawa. "Sino 'yan?" Matapang niyang sabad. Agad siyang nilingon ni Erickson. Tila nagulat ito. "I gotta go!" Wika nito sa kausap at pinatay na ang selpon. Naglakad ito papalapit sa kanya. "Isang business partner!" Malamig na sagot ng kanyang asawa. "Talaga?" Tugon ni Rhie. "Oo naman! At sa uulitin 'wag kang makikinig ng usapan ng iba." Mariing sabi ni Erickson sa kanya. Hindi siya nakahuma. Malungkot na napatingin siya sa asawang papalayo. Tumigil ito at muling humarap sa kanya. "Umuwi ka na, alam kong pagod ka." Turan nito sa kanya. Tumango lang siya. Pero agad ding hinabol ang asawa. "Magluluto ba ako, this night?" Nakangiting tanong niya kay Erickson. "Sige," maikling sagot nito at tuluyan nang pumasok sa building. Ang ngiting kanina ay nakapagkit sa kanyang mga labi ay agad nawala. Tinungo niya ang kanyamg sasakyan at umalis na siya roon. Alam naman niyang si Bianca ang tumawag. Ngunit bakit kinakaila ng kanyang asawa. Malinaw naman ang kanilang usapan bago ang kasal. Bakit tila nakalimot na si Erickson?. Hindi na muna siya umuwi. Dumaan siya sa kung saan bibili siya ng kanyang sariling sasakyan. Gagamit siya ng ibang sasakyan, para kahit papaano masundan-sundan niya si Erickson. "Hi! Ma'am may napili na po ba kayo?" Untag sa kanya ng promodiser. "Yes! Gusto ko 'yung kulay dirty white." Sagot niya rito. Tumango ang babae at sinamahan siya sa p*****t table. Inilabas niya ang kanyang sariling master card. Pumirma siya at kinuha ang susi. Inilabaz niya ang kanyang cp at may tinawagan. "Busy ka ba?" Agad niyang tanong sa kausap. "Hindi naman! Nandito ako sa mall, may bibilhin lang." Sagot ng nada kabilang linya. "Can you drive my car?" Muling tanong niya. "Sure! Basta ikaw!" Tugon ng kausap at pinatay na niya ang kanyang selpon. Itinext niya ang exact address at lumabas na siya upang hintayin ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanyang hinihintay. Nagkangitian silang dalawa. "Pasensiya ka na sa abala," nahihiya niyang sabi. "Ikaw pa! Malakas ka na sa akin, dati pa." Nakangiting sagot nito at kinindatan siya. "Loko ka! Heto ang susi," natatawa niyang wika. "Nasaan ang sasakyan mo?" Tanong ng lalaki. "Nasa loob pa! Bago iyun kaya, konting ingat." Turan niya rito. "Andami na ngang sasakyan yung asawa mo, bumili ka pa." Himutok nito. Hinampas niya ito saka sila nagkatawanan. "Hoy! Alam mo, for emergency 'yan Rom." Saad ni Rhie. Magtatanong pa sana si Rom ngunit itinaboy na siya ni Rhie. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Minaneho nga niya ang bagong kotse ni Rhie hanggang condo. Magkasunod lamang sila. "Halika muna sa condo, igagawa kita ng meryenda." Masayang yaya ni Rhie kay Rom. Tumalima naman ang binata at sumunod siya rito. Kinuha niya ang mga pinamili ni Rhie at siya na ang bumitbit. "Ang ganda talaga ng condo niyo!" Bulalas ni Rom nang makapasok na sila. Natawa si Rhie sa sinabi ng binata. "So, meaning nakapunta ka na rito?" Sagot niya kay Rom. "Oo! Twice lang, masyadong aloof ang asawa mo eh!" Wika ni Rom. Napatingin siya sa binata. "May dinala na ba siyang babae rito?" Tanong niya ulit. "Gusto mo bang malaman o gusto mong makatiyak?" Balik tanong ng binata sa kanya. Hindi siya nakasagot. Lumayo siya sa binata at inayos ang kanyang mga pinamili. "Anong gusto mong meryenda?" Pag-iiba niya nang usapan. "Gusto ko, 'yung gawa mong graham." Sagot naman ni Rom. Nakahinga nang maluwag si Rhie. Nagpasalamat siya at hindi na muling nagtanong pa ang binata. Habang gumagawa siya ng graham shake ay panay ang kwento nilang dalawa. Lalo na ang kanilang kamusmusan at kabataan. Pagkatapos maubos ni Rom ang ginawa ni Rhie ay nagpaalam na ito. "Alam kong pagod ka na, kaya magpahinga ka na salamat sa shake!" Wika ni Rom. "Walang anuman! Magluluto pa ako ng for dinner," sagot ni Rhie. "Ang swerte naman ni Erickson!" Nakangiting turan ng binata. "Sus! Mas masuwerte ang mapapangasawa mo," tugon naman ni Rhie. Ngumiti si Romeo kay Rhianna. "Paano? Aalis na ako, if you have a problem just call me." Sabi ng binata. "Yes, boss!" Nakangiting sagot ni Rhie. Hinatid niya sa may pintuan ang lalaki saka siya pumasok ulit. Nagtungo siya sa kusina at nagluto na siya para sa dinner. Napasarap kasi sila ni Romeo nang kwento. Kaya 'di na niya namalayan ang oras. Nagluto siya ng menudo saka gumawa siya ng atsarang repolyo. Binilisan niya ang pagluto dahil naalala niya ang iba niyang pinamili. Matapos niyang maluto lahat ay bumaba siya. Nagpunta siya sa parking area at kinuha ang kanyang pinamili. Inilagay niya ang mga iyun sa kanyang bagong kotse. Nang maisaayos ay bumalik na siya sa kanilang condo. Makalipas ang ilang saglit ay naligo na rin siya. Pagkatapos maligo, nagpunta siya sa sala at nanood ng tv. Para hindi siya mabagot sa paghihintay sa asawa. Ilang oras din siyang naghintay ngunit wala pa ang kanyang asawa. Hinintay pa niya nang ilang minuto pero wala pa rin ito. Palakad-lakad na siya at hindi na nanonood. Nang hindi makatiis ay kinuha niya ang kanyang selpon at tinawagan ang asawa. Nagri-ring lang ito at walang sumasagot. Muli niya itong tinawagan subalit wala pa rin. Nag-aalala na siya at kinukutuban. Naalala niya si Romeo, baka alam nito dahil mag-bestfriend ang dalawa. Tinawagan niya ang binata. "Hello, Rhie bakit?" Tanong ng binata sa kanya. "Tanong ko lang sana kung pumunta ba diyan si Erickson?" Tanong din niya rito. "Hindi naman! Saka maghapong kaming hindi nagtatawagan." Sagot ni Romeo. Natigilan siya. "Rhie, may problema ba?" Muling tanong ni Rom sa kanya. "Wala naman! Baka natraffic lang," pagsisinungaling niya. "Sige, pasensiya na sa abala!" Ani niya at ibinaba na niya ang kanyang selpon. Baka kasi magtanong pa ang binata, ayaw niyang malaman ni Rom. Muli niyang tinawagan ang asawa, cannot be reach na ito. Mas lalong tumindi ang kanyang kutob. Nanginginig ang kanyang kamay na idianayal ang numero ni Bianca. Nag-ring iyun nang tatlong beses. "Hello?" Tinig ni Bianca. Hindi siya sumagot. "Hello!" Muling tinig ni Bianca. Nanatili siyang hindi sumasagot. "Punyeta! Pinaglalaruan mo ba ako?" Mataray na mura ng dalaga. "Sino ba 'yan mahal?" Ani ng isang tinig. Nanlaki ang kanyang mga mata. Dahil tinig iyun ng kanyang asawa. Hindi siya maaring magkamali. Pinatay niya ang kanyang selpon. Binura ang kanyang call logs, mabuti na lang dalawa ang sim card niya. Inalis niya ang isa kung saan ginamit niya sa pagtawag, at itinago niya. Kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi na siya kumain at pumasok na siya sa kanilang kwarto. Doon siya umiyak nang umiyak. Ibinuhos niya sa pag-iyak ang sakit na kanyang naramdaman. Sumira nga si Erickson sa law of marriage na gusto niyang ingatan nila. Ano na ang kanyang gagawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD