ALL OF ME CHAPTER 22

1120 Words
ALL OF ME 22 Yayayain sana ni Erickson na kumain si Rhie subalit nakita niyang nakatulog na pala ito. Kaya hindi na niya ginising at baka mabinat pa. Pero nag-aalala siya dahil hindi na ito uminom ng kanyang gamot. Napabuntong-hininga siya at malayang pinagmasdan ang asawa. Kung siguro magkakaroon siya nang pagkakataon na makilala ito sa kabilang mundo. Ay hindi siya mangingiming mahalin ito. Nagkataon lang na may iba na talagang laman ang kanyang puso. Tumabi siya sa asawa at inayos ang kumot nito saka hinagkan sa noo. Natulog na rin siya at hindi na rin kumain. Kinabukasan. Naalimpungatan si Erickson dahil medyo late na. Napasarap pala siya sa tulog. Wala na rin si Rhie sa kanyang tabi. Naghilamos siya at lumabas na ng kwarto. Nakita niyang naghahanda ito sa mesa. Napangiti siya, maasikaso talaga ang kanyang asawa. "Hi!" Bati niya rito. Tumingin sa kanya ang asawa. At pilit ngumiti. "Hi! Kumain ka na," malamyos na sagot ni Rhie. Naupo siya at nagsimulang kumain. "Magpahinga ka na muna, nagkasakit ka pala hindi mo man lang sinabi sa akin." Sabi niya kay Rhie. Natigilan si Rhie. Nabingi ba siya at tila nag-aalala ito sa kanya? "Okay na ako, kaya ko na." Tugon niya. "Huwag mong pilitin ang sarili mo 'wag ka munang maglalalabas baka mabinat ka." Wika ni Erickson. Sukat doon ay napangiti si Rhie. At masayang tumango. Ngumiti rin si Erickson sa kanya. Pinakatitigan ito ni Erickson. Bakit ngayon niya lang naramdamang namimiss niya ang ngiting iyun? "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ni Rhie sa kanya. "W- wala! Sabi ko magpagaling ka." "Oo na! Bilisan mo na at baka ma-late ka sa opisina." Natatawang sagot ni Rhie. "Maaga akong uuwi mamaya," turan ni Erickson. "Sige! Ipagluluto kita," masayang tugon ni Rhie. "Hindi! Lalabas tayo," wika ni Erickson. Natigilan si Rhie sa narinig. Napatingin siya sa asawa. "S-sige," nauutal na sagot ni Rhie. Matapos kumain ay nagpaalam na si Erickson. Hinalikan siya sa pisngi ng asawa. Na ikinagulat niya, first time na gawin iyun ni Erickson sa kanya. At matagal siyang natulala. Parang hindi siya makapaniwala. Nagtatatalon siya sa saya. Kaya palundag- lundag pa siyang bumagsak sa kama. Kinilig siya nang sobra gaya nung unang naging sila. Tanghali na nang maalala niyang tawagan ang asawa. Hindi ito sumasagot kaya nagpasya siyang sorpresahin ito. Kahit sinabi niyang huwag muna siya lalabas. Samantalang tumawag naman si Rom kay Erickson na magkikita sila. Nang makita ni Rom si Erickson ay agad niya itong sinuntok. "What the hell you're doing?" Galit na tanong ni Erickson sa binata. Dumugo ang sugat nito sa labi. "Tinayanong mo ako? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo ha?" Galit ding sagot ni Romeo. Hindi umumik si Erickson. "Alam mo bang nagkasakit siya?" Gigil na wika ng binata. "So, ano ngayon?" Malamig na tugon ni Erickson. Muli siyang binigwasan ni Rom nang suntok ngunit naiwasan niya. "Hangal ka! Buti pa si Bianca kasama ka sa hospital! Samantalang siya, ako ang kasama imbes na ikaw na asawa niya!" Singhal ni Rom. Nagulat si Erickson sa narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata. "You saw it?" Tanong ni Erickson kinalaunan. "Hindi ko lang nakita, nakita rin niya! Kinailangan ko pang takpan ang mga mata niya. Kung nakita mo lang naging hitsura niya, mahihiya ka!" Duro ni Rom kay Erickson. "Masyado ka na yatang nakikialam, Rom? Asawa niya ako, kaibigan ka lang." Mariing sagot ni Erickson. "Asawa kang walang kwenta! Kung alam ko lang ganito ang gagawin mo, I will tell her that she is free to come back to me." Madiing bigkas ni Rom. "Hindi ka niya mahal, Rom. Mula noon hanggang ngayon," matigas na sabi ni Erickson. "Ang puso, napapagod din. 'Wag kang pakampante. May puwang ako sa puso niya umeksena ka lang, tandaan mo 'yan." Wika ni Rom. Hindi nakasagot si Erickson at tumalikod kay Rom. "Sana sinabi mo bago ang kasal, malaya ko siyang ibibigay sayo. Pero kasal na kami, kaya hindi ko siya ibibigay sayo." Malamig na turan nito. Ngumisi si Rom. "At anong buhay ang ibibigay mo sa kanya? Buhay na punum-puno nang pagkukunwari? Nang pagtatago? Nang dalamhati at pagdurusa?" Pangungutyang sabi ni Rom. "Wala ka na roon, buhay namin ito." Maikling tugon ni Erickson. "Buhay niyo o buhay mo lang? May damdamin ka ba? Nagsisisi akong ipinakilala ko siya sayo noon. You know what? Kami ang unang na-engaged bago kayo." Sabi ni Rom. Biglang humarap si Erickson sa narinig. Kumunot ang kanyang noo. "Anong sabi mo? Ulitin mo nga?" Muling tanong ni Erickson. "Bingi ka ba? O nagbibingi- bingihan lang? Tama ka nang narinig, pero alam mo ang pakiusap niya kay Lolo? Ikaw ang gusto niya, kaya hiningi ni Lolo ang panig ko." Saad ni Rom. "At dahil mahal na mahal ko siya, at gusto kong lumigaya siya. Kaya pumayag ako, kahit ako yung nasasaktan! Tapos nagayon, sasaktan mo lang siya? Magdudusa sa piling mo? Damn you!" Punum-puno nag galit na sabi ni Rom kay Erickson. Napatulala naman ito at hindi nakapagsalita. "I'm warning you, if you hurt her again, then please lang ibalik mo siya sa akin." Ani ni Rom at iniwan na niya si Erickson. Naiwan si Erickson na naguguluhan. Hindi niya maintindihan ang lahat nang narinig. Parang hindi niya alam kung ano ang iisipin. Bumalik siya sa opisina na lutang ang pakiramdam. Dire - diretso siyang pumasok sa kanyang opisina. Hindi na niya pinansin ang kanyang secretary na may sasabihin sana. Nagulat siya nang makita si Bianca na nakaupo sa loob. Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa braso. "Anong ginagawa mo rito?" Inis na tanong niya. "Ouch! Nasasaktan ako! Namiss kita, hindi ka na kasi pumunta." Napangiwing sagot ni Bianca. Binitawan ito ni Erickson. "Hindi ka dapat pumunta rito, kapag nalaman ni Lolo lagot tayo!" Sabi ni Erickson. Ngumiti si Bianca at lumapit kay Erickson. Yumakap ito sa leeg nito at hinalikan sa labi. At 'yun ang nadatnan ni Rhie na tagpo, nang buksan niya ang pinto. Napadatda siya at hindi nakakilos. Nakatulala na nakatingin sa dalawa. Para siyang binaril at pinatay nang mga oras na iyun. Nagulantang naman si Erickson nang malingunang nandoon pala si Rhie. Nakatingin sa kanila at luhaan. Agad itinulak ni Erickson si Bianca. Humakbang siya papalapit sa asawa. "Rhie!" Sambit ni Erickson. Ngunit bago siya makalapit dito ay nakatakbo na si Rhie. Hahabulin sana ito ni Erickson subalit naalala niya si Bianca. Binalikan niya ito at pakaladkad na pinalabas. "Umuwi ka na! Mag-uusap tayo roon kapag tapos na kaming mag-usap ni Rhie." Mariing sabi niya sa dalaga sabay sarado nang pinto. Napapikit siya at huminga nang malalim. Tinawagan niya si Rhie pero hindi sumasagot. Nakailang tawag na siya pero talagang hindi nito sinasagot. Nagpasya siyang umuwi na lang ng maaga para makausap niya ang kanyang asawa 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD