Haru Vandatt's POV;
"Dapat matuto kang kontrolin ang emosyon mo Cross." Bulong ko habang hawak ang inhaler at isang lalagyan.
Napailing ako at natatawang nilagay yun sa bulsa ko, lalabas na ako ng locker room ng may maramdaman akong presensya na hindi ko alam kung nasaan.
"Ang amoy na yun." Bulong ko at hahakbang ako palapit sa bukas na bintana ng---.
"Ano bang nangyayari kay leader?"
Napatingin ako sa pinto ng bumukas yun at pumasok sina Percy kasunod ang team.
"Haru ikaw pala ayos lang ba si Leader? Nagmamadali kasi kanina." Ani ni Chase na kinangiti ko.
"Ayos lang yun." Ani ko bago umikot at maglakad palapit sa grupo.
Kung sino man ang nasa labas at naramdaman ko kanina, hindi sila mga ordinaryong tao lang.
3rd Person's POV;
"Arkhon!" Sigaw ni Cross matapos itulak ang pinto ng opisina ni Arkhon at---.
"Sino kayo?" Nagbago ang expression ng binata ng makakita siya ng mga estudyante sa loob na nanggaling sa ibang department.
"Great ikaw ang nauna, si president dapat ang kakausapin namin tungkol dito ... pero nandito ka na din naman, bakit hindi na nga lang naman ikaw."
"Kayo yung nasa gym." Pokerface na sagot ni Cross na kinataas ng gilid ng labi ng binata.
"May ilang bagay lang naman ako gusto ipakita sayo Cross Acosta, na siguradong magugustuhan mo." Ani ng lalaki na kinangisi ng mga kasamahan nito.
--
"Sa tingin mo may pake ako? Ikalat mo pa yan wala akong pakialam." Bored na sagot ni Cross matapos punitin ang litrato na hawak at tumalikod para lumabas ng opisina.
"Kahit malaman ng girlfriend mo, masira ang pamilya ni Arkhon dahil sayo?" Ani ng lalaki na kinatigil ni Cross.
"Aware ka naman siguro kung gaano kahalaga kay Arkhon ang kapatid niya, I'm sure masasaktan si Arkhon once na kamuhian siya ng sarili niyang kapatid dahil sa pang-aagaw nito sa boyfriend niya."
Dagdag ng lalaki na prenteng nakaupo sa sofa na kinangisi ng mga lalaki.
"What do you think Cross? Aasahan na ba namin ang magandang eksena na yun pag naibigay na namin ito kay Alica?" Tatawa-tawang sambit ng isa sa mga lalaki na kinakuyom ng kamao ng binata.
"Ano bang gusto niyo mangyari?" Walang emosyong tanong ni Cross matapos tingnan ang mga lalaki.
"Yan ang gusto naming marinig sa isa sa mga succesor ng mga ... Acosta." Nakangising sambit ng lalaki.
---
"Hindi ko alam." Sagot ni Arkhon habang busy ito sa pagpirma ng mga papeles sa harapan.
"Itigil mo nga yan! Kinakausap kita nasaan si Cross!" Sigaw ni Chase matapos kwelyuhan si Arkhon mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair sa opisina.
"Ilang beses ko na sinabi? Hindi ko alam." Walang buhay na sagot ni Arkhon bago tumayo at tabigin ang kamay ni Chase at tingnan ang mga ito.
"Wala akong alam kaya mabuti pa umalis na kayo sa opisina ko, madami pa akong ginagawa." Walang emosyong sambit ni Arkhon na kinadilim ng anyo nina Percy.
Hindi nagsalita ang mga ito kasama si Haru na nakatitig sa mga ginagawa ni Arkhon bago tumalikod at naunang umalis na sinundan nina Iggy na may pagka disgusto ang mukha.
"Bakit ganun si Arkhon parang hindi natin naging kaibigan ang putanginang yun." Inis na sambit ni Iggy.
"May mali dito." Bulong ni Haru.
'Hindi pa nakakausap ni Arkhon si Cross.' Ani ni Haru sa isip habang naglalakad sila pababa ng hagdan.
"Hindi kaya nakidnap si Cross?" Ani ni Iggy na kinatingin ni Haru.
"Hindi si Cross yung tipong nakikidnap, nangingidnap pwede pa." Hirit ni Percy.
"Nagagawa niyo pang magbiruan." Ani ni Chase ng---.
'Si Cross yun diba?'
'Bakit kasama niya ang grupo nina Janus?'
"Haru." Ani ni Percy nang makita ang grupo ng Wildflaw.
"Cross anong ibig sabihin nito?" Puno ng pagtatakang tanong ni Iggy ng makasalubong nila ang grupo.
"Cross!" Sigaw ni Iggy na kinaangat ng tingin ni Cross.
"Cross bakit sila ang kasama mo anong---."
"Hindi ba halata? Kasali na sa grupo namin si Cross ... kung gusto niyo sumali ayos lang naman welcome kayong lahat sa Wildflaws." Nakangising sambit ng isa nagsisilbing founder ng gang na si Janus Jang.
"Tama! Mas madami ... mas masaya." Ani ng isa sa mga binata bago inakbayan si Cross na walang emosyong nakatingin sa Redtape.
"Ikaw Haru Vandatt? Ayaw mo sumali? Nasa amin si Cross." Ani ng lalaki matapos tingnan si Haru na nakatingin kay Cross.
"Haru." Ani ni Chase ng humakbang si Haru palapit sa grupo at---.
"Tama yan guardian ka ni Cross dapat---."
*blaaag!*
'Aaahh!'
"Haru!" Sigaw ni Percy ng makitang suntukin ni Haru si Cross na kinagulat ng lahat.
Hindi natinag si Cross mula sa pagkakatayo pero dahil sa impact nahilig ang ulo ni Cross at dumugo ang gilid ng labi ng binata.
"Tama ka Guardian ako." Bulong ni Haru matapos tingnan ang mga lalaki na napaatras ng masalubong nila ang mata ng binata maliban kay Haru na nakayuko at kay Janus na nakangisi.
"At responsibilidad kong protektahan si Cross pero hindi ang sumunod sa taong kinokontrol ng mga demonyong katulad niyo." Ani ni Haru bago ngumisi.
"Hiniram niyo si Cross sa Redtape ng walang galos, Janus." Dagdag ni Haru bago nagdilim ang mukha at pinako ang tingin sa binatang katabi ni Cross.
"Siguraduhin mo lang maibabalik mo siya ng walang gasgas kung ayaw mong matulad ka sa nangyari sa kapatid mo." Ani ng binata na kinawala ng ngisi ni Janus at kinadilim ng anyo nito.
"Umalis na tayo." Ani ni Haru bago lampasan ang Wildflaws.
"Haru!" Sigaw ni Iggy bago habulin si Haru.
Matapos tingnan ni Percy at Chase si Haru umalis na din ang mga ito at sinundan si Haru.
---
"Arkhon." Ani ni Percy ng makita si Arkhon na nasa railing sa labas ng opisina at nakatingin sa ibaba.
"Arkhon, you are the one who can stop him. Kailan ka ba kikilos panonoorin mo na lang ba siya na sirain ang buhay niya?" Nag aalalang sambit ni Percy bago tiningnan sa ibaba si Cross na nakikipagtawanan kay Alica.
"Arkhon!" Sigaw ni Percy.
"Kung ano man ang gawin niya ngayon labas na ako. Lahat ng ito desisyon niya at hindi sa akin." Sagot ni Arkhon matapos maglakad palayo ng makita niyang hinalikan ni Cross ang kapatid.
"Arkh---."
"Percy tama na." Pigil ni Haru ng hahabulin ng binata si Arkhon.
"Haru anong tama na?! Si Arkhon na lang ang pag-asa natin. Ayaw tulungan ni Tito Cadmus si Cross wala tayong magawa." Ani ni Percy na kinayuko nina Iggy.
"Putangina! Wala na akong pakialam kung patayin ako ni Cross kailangan natin siyang mailayo sa mga putanginang yun!" Naggigitgit na sambit ni Chase aalis ito ng hilahin siya ni Haru at ibalya sa railing na kinatingin nina Percy at Iggy.
"Hindi niyo ba maintindihan ang sitwasyon? Hindi ito gagawin ni Cross para sa wala siguradong may hawak ang Wildflaws at yun ang ginagamit nila para mahawakan sa leeg si Acosta." Ani ni Haru na kinatigil nina Chase.
"Sabihin natin ito kay Arkhon siguradong may magagawa s---."
"Hayaan niyo si Arkhon." Ani ni Haru bago humakbang paalis.
"Siguradong may sariling lakad ang gagong yan." Dagdag ng binata.
--
"Ughh C-Cross!" Ungol ni Alica habang hinahalikan siya ng binata sa leeg at paglabas pasok ng p*********i nito sa pagitan ng mga hita ng babae.
Walang nagawa ang dalaga kung hindi umungol matapos siyang paulit-ulit angkinin ng binata na parang walang kapaguran.
"Napasobra yata ang lagay mo ng drugs sa iniinom ni Cross boss, hindi tinitigilan si Alica." Natatawang komento ng lalaking kasalukuyang nakaupo sa lamesa at humihithit ng sigarilyo.
"Binigay ko kay Alica ang drugs." Sagot ni Janus na naglapag ng baraha matapos tingnan ang binatang lumabas ng kwarto at binalibag ang pinto.
"Palagyan niyo nga ng soundproof ang kwarto nina Cross delikado tayo baka maisipan ni Gary ipasunog ang building sa sobrang selos niya." Natatawang sambit ng binatang kalaro ni Janus.
"Masyadong obsses ang babaeng yun kay Cross kaya imposibleng mapansin niya si Gary." Sabat ng lalaking umiinom ng beer habang nakaakbay sa babaeng halos wala ng tinago sa katawan.
"Kaya nga eh biruin mo ba naman matapos niyang malaman ang ginagawa natin kay Cross nagpresinta pa siyang sumama sa atin." Ani ng lalaki na kinatawa ng binatang nakasandal sa kabilang bahagi ng lamesa at naglalaro ng Dart.
"Kaya nga hawakan niyo sa leeg ng mabuti si Acosta dahil pag yan nakawala, sa impyerno na tuloy natin ... hindi pa naman uso sa Redtape ang misa at pabasa." Dagdag ng binatang nakaupo sa sofa at nagpapalobo ng bubble gum.
"Tangna mo talaga Sebastian kahit kailan panira ka ng mood ayos na eh bumanat ka pa."
"Anong gusto niyong gawin ko? Isipin kong nasa isa kang disneyland? Mga mascott lang ang kasama ko na kumidnap lang ng anim na taong gulang na bata?" Sagot ng lalaki bago bumangon.
"Hindi biro bumangga ng isang Acosta kahit sabihin mong tinakwil yan ng pamilya niya."
"Ayan ka nanaman Seb pwede ba wag ka na lang mangialam. Andito na tayo at isa pa imposible na yang sinasabi mo, ikaw na din nagsabi hindi magkasundo ang mga Sikat, Farell, at ilang pamilyang konektado sa mga Acosta walang tutulong kay Cross. Hindi na din tayo magagalaw ng Redtape dahil hawak natin sa leeg ang leader nila."
"Control natin ang lahat Seb easy ka lang." Natatawang sagot ni Janus sa nagsisilbing kanang kamay niya sa gang.