3rd Person's POV; "Arghh ang boring." "Leader nababato na ako dito sa tambayan, hindi ba tayo pwede maglaro kahit isang beses lang." "Habang nasa ospital pa ang leader ng redtape opportunity na natin ito para mapabagsak ang C-lite." "Oo nga boss pati ang Sillius " "May inaantay lang tayong dumating konting oras na lang." Nakangising sambit ng binata habang pinapaikot ang bote na hawak sa kamay. "Sino ba leader?" Tanong ng isa sa grupo na nasa loob ng isang abandonadong gusali. "Isang dating ... kaibigan." Nakangising sambit ng lalaki. Hanggang sa maya-maya nakarinig sila ng ingay ng hinihila na bakal papunta sa pwesto nila. Mula sa kadiliman may lalaki ang nakangising lumapit sa grupo nila. Sa unang tingin para lang itong normal na teenager na walang kamuang-muang pero sa edad ni