TAHIMIK AKO PAGKAPASOK NAMIN SA LOOB. I can’t find perfect words to spill since what he just said caught me off guard. I threw him a gaze and found him staring at me with a hint of smile on his face.
He’s just trying to tease me, right? He can’t be serious about this I mean, it’s pretty obvious that someone like him could never be in love with me. And he told me exactly that he’s already into someone and that couldn’t be me, or… is it me?
I don’t know.
“This way…” He said.
I don’t know if it’s just me but his voice is full of gentleness. Pagkapasok namin sa loob ng isang silid ay bumungad sa amin ang mga ka-miyembro niya ng banda.
Marco and Mike are fixing something on their instruments while Aya and Nico are laughing as if they’re talking about something that got their interest.
Bigla silang natahimik at natigil sa mga ginagawa nang makita kaming magkasama ni Chase. Their jaw dropped and I know that it is because of disbelief and their eyes grew wide.
“W-What the actual fvck?” Marco asked in a low voice. Chase chuckled and raised his middle finger and pointed it to Marco.
“Can we just start instead?” Chase asked as he touched my back and helped me occupy one of the monoblock chairs.
“Finally got your balls, bro?” Mike asked with an evil grin on his face.
“Shut up, Mike! I’m just waiting for the right time, and I’ll be meeting her parents later, right?” Chase turned his head and look at me, I turned crimson red.
“W-Wala naman tayong u-usapan ‘di ba?” I asked, not sure if what’s the best words to say.
“Meron na ngayon. Ihahatid kita mamaya sa inyo at gusto kong makilala ang mga magulang mo. Respeto na rin sa kanila na malaman nilang nililigawan ko ang anak nila.” Marco whistled and Mike chuckled.
“The fvcker’s obviously smitten.” Nico said, half-laughing.
“Eh bakit ikaw parang walang balak na makilala sina Mama?” Aya asked, talking to Nico. Nico’s face paled and Marco laughed.
“M-Meron naman. N-nahihiya pa kasi ako. A-Atsaka one of these days, ipapa-alam ko sa kanila na g-gusto kitang ligawan.” Nico replied.
“Magsimula na nga tayo. Naglolokohan na lang tayo dito eh.” Mike said as he burst out laughing. Nico glared at Mike and shook his head.
Agad naman akong lumapit kay Aya at umupo sa tabi niya. She flashed me a smile and winked at me.
“Would you be fine here?” Agad kong nilingon si Chase na nagsalita mula sa likuran ko. Tumango naman ako at ngumiti, “Just tell me if you need anything, okay?” Again, I nodded my head.
“Magsisimula na ba tayo? Wala pa sina Loisa.” Mike said as he put the microphone in proper.
Nico and Marco must be really rich. I can only imagine how expensive this room is. Kahit sa labas ng bahay ay sumisigaw ang karangyaan.
“Hello!” Bigla kaming napatingin sa bumukas na pinto. Iniluwa nito si Loisa, nasa likod naman niya ang lima pang babae na kasama niya.
“Hey,” Ngumiti si Marco, “Umupo na kayo, magsisimula na.” Agad namang naglakad sa direksiyon namin ni Aya ang anim na babae at umupo sa tabi namin.
Loisa sat beside me and flashed me a smile. I smiled in return since she really looks friendly.
“Loisa,” Pakilala niya at agad na iniabot ang kanang kamay. Agad ko naman itong tinanggap at ngumiti.
“Heart.”
“Nice meeting you, Heart. Ba’t ngayon ko lang kayo nakita rito?” Base sa tanong niya, marahil ay lagi sila rito.
“H-Hindi ko naman kasi alam. A-Atsaka niyaya lang ako ni Chase.” Saglit siyang natigilan sa sinabi ko bago marahang tumango.
“Kaya pala. Lagi kami dito, kami ang audience nila.” Ngumiti ulit siya, “Alam mo na, mga supporters.” Marahan akong tumango sa sinabi niya at ibinalik ang tingin sa grupo ng Nostalgia.
Mula sa p’westo namin ay halatang naguusap ang apat pero hindi naman namin marinig. Mayamaya lang ay umupo na si Chase sa harap ng drum, si Nico sa harap ng keyboard, hinawakan naman nina Marco at Mike ang kanilang mga gitara.
Humarap si Mike sa harap ng mikropono nang nakangiti bago pumitik sa kanyang hawak na gitara tanda ng paninimula sa unang kantang aawitin nila.
Bigla akong kinilabutan sa ganda ng boses ni Mike nang magsimula na sila. I’ve known Mike long enough and I know exactly how passionate he is when it comes to music.
Noong mga bata pa kami ay lagi kaming nagkakantahan. Nang makilala naman namin si Aya noong high school ay kaming tatlo na ang magkakasama. Tapos ay noong unang taon sa kolehiyo ay nabuo na ang Nostalgia. Magdadalawang taon pa lamang sila ngunit sa galing nila ay masasabi kong kayang-kaya na nilang makipag-sabayan sa ibang mga bandang nakagawa na ng pangalan.
Marahan naman ang pagpalo ni Chase sa drum na mas lalong nakakapagpa-ganda sa musika.
Biglang hinampas ni Chase nang malakas ang drum pagdating sa koro at agad na pumalakpak ang mga kasama ko, maging si Aya. Napangiti naman ako sa nakita.
Tinapos nila ang kanta. At tumapos pa sila ng ilan. They’re really good when it comes to this. I know exactly that if they pursue this career, they can make their own name.
A couple of minutes have passed they had their break. Agad naman silang bumaba sa maliit na entablado at lumapit sa amin.
“What can you say, guys?” Nico asked us with a smile on his face. He moved closer to Aya, wrapped his arms on her waist and leaned a little to give Aya a kiss on her right cheek.
Aya turned crimson red as they all teased them both.
“Ang landi mo talaga, Nico! Siguraduhin mong siya na ha? Naku, kapag sumikat kayo at iniwanan mo siya gagawa talaga ako ng k’wento para masira ka.” Marahang humalakhak si Nico sa sinabi ng isang babae.
“She’s the one that I want to share my whole life with.” Nico said with a smile on his face.
It’s pretty obvious that he’s really into Aya. Kaibigan ko si Aya pero wala man lang siyang nasabi sa akin na tungkol sa bagay na ito, ang alam ko lang ay may gusto siya kay Nico, hindi ko alam na nagkakamabutihan na pala sila. Anyways, it’s their story to tell.
“Hey, are you okay?” Ngumiti ako kay Chase at marahang tumango.
“Let’s go downstairs. Nagpahanda na ako ng miryenda kay Nanay Kora.” Saad ni Marco.
And we did as we were told. We went downstairs altogether.
“Where do you want to eat, sa dining area o sa poolside na lang?” Nico asked.
Mas pinili nilang lahat na kumain sa poolside kaya doon kami nagtungo.
Magka-hawak kamay kami ni Aya, nasa tabi ko naman si Chase na tahimik lang. Naglapag ng kumot si Nico sa Bermuda grass sa tabi ng kanilang swimming pool at doon niya ipinalapag ang mga pagkain.
“Iyong totoo, kayong dalawa ba ay may relasyon?” Tanong ni Nico na nakasimangot at nakatingin sa amin ni Aya na magkahawak kamay. Mike chuckled and hit Nico’s right shoulder.
“So gay, dude. Normal lang iyon sa magbestfriend na babae.” Mike said.
“Why don’t you hold Chase’s hand too?” Aya asked with a grin on her face.
“You’re gross, Aya.” Nakasimangot na tugon ni Chase, “It’s only Heart’s hand that I’ll hold.” Nagtilian ang mga kasama naming babae sa sinagot ni Chase. Namula naman ako at umiling.
“You’re courting Heart, Chase?” One of the girls asked. Marahang tumango si Chase at ngumiti.
“Wow, you’re so lucky girl!” Loisa said with a smile. I don’t know why but even if she tried her best to sound cool with it, there’s something on her eyes that I couldn’t comprehend.
My phone rang so I excused myself. Agad akong tumayo, lumayo sa kanila at sinagot ang tawag. The call’s from Mama.
“Love Espinosa ba’t napatawag ka?” I greeted trying to tease her.
“Walang modo kang bata ka, umuwi ka na bilis at may sasabihin kami ng Papa mo sa ‘yo. Sumabay ka na lang kay Mike, hindi namin siya matawagan eh.” I chuckled and nodded even if she can’t see.
“Hindi ba p’wedeng sabihin niyo na agad?”
“Ikaw na bata ka. Umuwi ka na lang.” marahan akong humalakhak.
“Sige po, Mama.”
“Mag-ingat kayo sa biyahe. I love you, nak.”
Ibinaba na ni Mama ang tawag kaya bumalik ako sa pwesto ng mga kasama namin, “Uhm, k-kailangan ko nang umuwi. I-Importante raw kasi sabi ni Mama. And Mike, t-they actually want to see you too, s-sabay na raw tayo.”
Napatingin ako bigla kay Chase nang suminghap siya. His face is red and he looks pissed.