BUMABA AKO at agad na nagtungong kusina para uminom sana ng isang basong gatas. Umaasa na aantukin ako agad pagkatapos. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako inaantok. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Chasa hanggang sa makababa ako at makapunta sa kusina. Agad kong binuksan ang refrigerator namin para kunin ang fresh milk at nagpunta ng lababo para kumuha rin ng isang baso. Kahit naman hindi ko tignan si Chase ay ramdam ko ang titig niya sa akin habang nagsasalin ako ng gatas sa baso. “You should’ve told me that you want to drink milk, baby. Pwede namang ikuha na lang kita.” Mahinahong saad niya at umupo sa isang silya habang nakatitig pa rin sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin, “I’m pregnant and not disabled, Chase!” Singhal ko sa kanya. “Baby, I j