The Soldier & I Ai_Tenshi Part 42: Ang Liham ni Adel Tatlong linggo ang nakalipas mag buhat noong binitawan ko si Bryan. Wala akong balita sa kanya, hindi ko na ito pinag tangkaang hanapin pa dahil tiyak na magiging mahirap lamang sa aking parte ang makita siyang muli. Hanggang ngayon ay damang dama ko pa rin ang ibayong sakit dulot ng kanyang pag kawala, madalas ay hinahanap hanap ko pa rin siya ngunit wala naman akong magawa kundi ang labanan ang lungkot na dulot ng pag iisa. Marahil ito talaga ang nakaguhit sa aking palad, ang mawala siya at mahanap ko naman ang aking kapalaran bilang isang sundalo. Ilang araw na lamang itatagal namin dito sa Syria dahil sa ngayon ay nagiging maayos na ang sitwasyon. Napwersang bumaba ang kanilang presidente katulad na rin ng kagustuhan ng buong tao

