The Soldier & I Ai_Tenshi Part 35: Maling Akala Dalawang buwan na lamang natitirang panahon at matatapos na ang aming training. Nakita ko ang pag babagong naganap sa bawat isa lalo na sa amin ni Ed. Ngayon ay mas naging seryoso ako sa mga bagay sa aking paligid, mas nakikita ko na ang mga ito ayon sa mga positibong bagay na ibinibigay nito sa aking sa sarili at hindi sa negatibo dahil pinapahina lamang ako nito. Tulad ng dati ay full power pa rin ang aking ginagawang pag eensayo sa kampo, kahit na inaabot ako ng gabi o madaling araw ay ayos lang basta't makapasa ako sa mga pag susulit. Ang gabi ay ginawa kong araw, habang mahimbing na natutulog ang lahat ay tumutulay ako sa mga obstacle, ang eensayo ng hand to hand combat at iba pa. Minsan kapag nakakaramdam ako ng pag kalungkot ay pin

