BREE'S POV
Mabilis lang natapos ang klase namin maghapon kaya maaga akong makaka-uwi. Nagpaalam na kami ni bessy sa isa't-isa. Habang ako naman ay nag-umpisa ng maglakad dahil malapit lang naman ang kumbento dito sa school.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may mga humintong halos sampu na kotse na puro itim sa paligid ko kaya napahinto ako at tiningnan lahat ng nakapaligid saken. Anong nangyayari? Bakit nila ako pinalibutan?
Sabay-sabay bumukas ang pintuan ng mga kotse, nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang mga dala nila. Mga armado sila, mga matataas na kalibre ng baril ang mga dala nila.
"Whooa. Hi Mrs.Montemayor." Nakita kong may lumabas na isang lalaki sa isang sasakyan hindi kalayuan sakin. Lumakad siya papunta sa direksyon ko kaya napataas ako ng dalawang kamay na akala mong susuko. Nang makalapit ang lalaki sa akin ay sumipol siya at ngumisi sakin. Gwapo ito at halatang mayaman. Napapikit ako sa takot nang mas lumapit pa sya saken habang nakapamulsa.
"M-mrs.Montemayor? S-sir Falcon po ang apelyido ko. Baka po nagkakamali lang po kayo." Nahihintakutan kong sabi habang nakapikit. Tumawa naman ito kaya napadilat ako.
"You're funny Lady Bree. And Sebastian is right. You are really beautiful, not only beautiful but a goddess one that every man will be dreaming of." Naka-ngiti nitong saad.
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya, alam nya ang pangalan ko, ibig sabihin kilala nya ako? Teka.. hindi nya ba ko huhulihin? Hindi nya ko sasaktan?
"Hindi mo po ako huhulihin Kuya?" Natatakot ko paring tanong. Umiling ito at ngumiti ulit.
"Ofcourse not babe. Kailangan mo lang sumama samin kasi hinihintay ka ni Master." Naka-ngisi nitong sabi. Master? Sino yun?
"Sino pong master? Kasi Kuya uwian ko na po. Kailangan ko na po umuwi, hinihintay na po ako ni Nanay Rosing."
"Master is your soon to be husband, Lady Bree. Hindi mo pa ba sya nakikilala?" Nagtataka nitong tanong. Tinitigan ko lang sya na parang, 'Nababaliw kana ba?'. Napa-kamot naman sya sa ulo at ngumiti ulit. Masyado namang smiley face si Kuya.
"Tara na, naghihintay na ang hot headed mong mapapangasawa. Mahirap pag-hintayin yung gago na yun. Baka mamaya lang mag-umpisa na kong maghukay ng sarili kong libingan eh." Natatawa nyang sabi. Napaatras ako nang magsimula ulit syang lumapit sakin, inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, bantay-sarado ang daanan para makatakbo sana ako.
Bago pa ko makapag-react ulit, naka-lapit na sya sakin at tinakpan na nya ang ilong ko ng isang panyo. And everything went black.
SEBASTIAN'S POV
"Is everything ready?" 'Yes, Master!' Ang mga tauhan ko, nakakalat na ba? 'Yes, Master. Nakakalat na sa lahat ng sulok mula loob at labas ng simbahan.' Mula sa dadaanan ni Lady Bree patungong simbahan? 'Opo, Master. Maayos na po lahat.' Ayokong magkaroon ng problema sa mismong araw ng kasal ko." 'Masusunod, Master.' Pagkatapos kong paalalahanan ang isa kong tauhan ay ibinaba ko na ang tawag.
Napabaling ang tingin ko sa isang tauhan ko na galing sa labas. Nakayuko itong lumapit saken.
"Master, malapit na daw po sila Sir Esteban at Lady Bree."
Hindi ko sya kinibo, bagkus tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagsimulang lumakad palabas ng opisina ko. Dito ako sa main door maghihintay sa mahal ko. Gusto ko ako agad ang makikita nya pagbaba nya ng sasakyan.
Napangisi ako ng matanaw ko na ang sasakyan na kina-lalagyan ng magiging asawa ko. Mabilis akong lumapit sa sasakyan ng sandaling huminto ito sa harapan ko at binuksan ang pintuan nito. Nag-init ang ulo ko ng makitang naka-unan ang ulo ni Bree kay Esteban, tulog ang dalaga.
"What the f**k Esteban?! Do you want me to kill you asshole?!" Tumawa lang ito ng malakas at minuwestra na kunin ko na si Bree. "I will not let this happen again you dumbass! Don't touch my wife again Esteban, I swear I will f*****g'..
"Yeah yeah, you will kill me. How many times did you say that? 40 times, 50? 60? 70? 100?" Then he laughed so loud like there's no tomorrow. "Anyway, pinasinghot ko sya ng isang chemical para makatulog, at para mabilis syang maayusan. Dahil kung gising sya siguradong magwawala yan dahil mabibigla sya sa mangyayari. Mas magandang magising sya mamaya pag nasa simbahan na, sa gitna ng kasal nyo. Pag pumalag, tutukan mo ng baril. Siguradong mapapa-Yes I Do agad yan." Natatawa nitong sambit. May silbi naman pala ang utak ng gago kong kapatid, kahit papano.
Hindi ko na sya sinagot, binuhat ko na si Bree at dineretso sa kwarto ko. Para ayusan na sya maya-maya.
Inilapag ko sya sa kama ko at pinagmasdan ang maamo at maganda nyang mukha. Hinaplos ko ang mamula-mula nyang kutis na pisngi.
'This is the right time sweetheart. You will be finally mine-- Later.' Sa isip isip ko. Binigyan ko sya ng marahan na halik sa noo bago sinenyasan ang mga tauhan kong babae na ayusan na sya habang tulog pa.
BREE'S POV
Nataranta ako ng maliwanagan ang isip ko sa nangyayari sa paligid ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang pari, at nasa isa kaming simbahan. May naka-alalay sa magkabila kong braso para makatayo ako ng maayos. Para akong nagising mula sa malalim na pagkakatulog nang mas mailibot ko ang paningin sa kapaligiran ko hanggang sa bumaba ang mga mata ko sa kasuotan ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mas matingnang mabuti ang suot ko, wedding dress?! Ohmygad! Ano bang nangyayari? ikakasal na ba ko? Pero bakit hindi ko alam?! Bakit wala akong alam?! Gulong-gulo ang isip ko habang inililibot muli ang mga mata sa paligid.
Natauhan ako ng marinig ang boses ng pari..
"Do you Azula Bree Falcon, take Sebastian Montemayor as your husband?" Mas nanlaki ang mata ko sa narinig.
Handa na sana akong magwala, nang marinig ko ang pagkasa ng isang baril at naramdaman ko nalang na nakatutok ang malamig na nguso ng baril sa sentido ko. Nanginig ako sa takot.
"MARRY ME OR DIE, MY SOON-TO-BE-WIFE?" Isang baritonong boses ang nagsalita at mas nakaramdam ako ng takot sa banta nya. Nasa tabi ko lang siya at anumang oras ay kayang-kaya nya akong barilin. Gaaad! Hindi ko ma-imagine na naliligo ako sa sarili kong dugo.
Napapikit ako ng mariin nang magsalita sya ulit..
"SAY, YES I DO WIFE or else I will f*****g kill you, right here, right now!" Maawtoridad nyang utos na ikinatulala ko.
Nanginginig akong tumingin kay father para humingi ng saklolo kaya lang, umiwas lang siya ng tingin sakin at tumikhim. Tinanong nya muli ako habang ang gagong lalaking nasa tabi ko ay nakatutok parin ang baril sa sentido ko.
"Y-y-yes, I-i d-do." Nauutal kong sagot kay Father. Ibinaba na ng lalaking mapapangasawa ko ang baril na nakatutok sakin kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag pero hindi parin maalis sakin ang takot sa dibdib ko.
"Now, Sebastian Montemayor, Do you take Azula Bree as your wife?"
"Yes, I f*****g I do! Now can we proceed to the kissing part of this f*****g ceremony?! I can't f*****g wait to taste her sweet lips! Dammit!" Naiinip nyang sigaw sa pari na ikinanganga ko. Ang bastos ng gagong 'to! Puro mura pa ang lumalabas sa bunganga ang sarap sapakin!
At ano daw? KISS?! Pwede na ba akong tumakbo?! Urgh! Ano ba naman 'tong napasukan kong gulo! Waaaah! Nanay Rosing help meee! Sigaw ko sa isipan ko.
Natauhan lang ako ng bigla nalang akong hinarap ni.. my so called soon-to-be-husband.
Pwedeng pakisilip yung panty ko? Baka kasi nalaglag na dahil sa sobrang kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko. Kumurap-kurap pa ko ng ilapit nya ang nakangisi nyang mukha sakin.
"I'm so f*****g craving for this for so long wife. Hmmm.."
Hindi pa maayos ang takbo ng utak ko ng bitawan nya ko at may naka-paskil na mas malaking ngisi sa mga labi nya. What the! HE KISSED ME!
"Now, Azula Bree Falcon-Montemayor is Owned by the Mafia Emperor."
Is this a dream? Paki-sampal ako please! Kahit sampung beses pa!
MAFIA EMPEROR?
What a f*****g f**k!
I'm doomed!