Nakanguso ang dalaga habang pinagmasdan ang binata na ngayon ay walang humpay ang saya. Gusto sana niyang pahirapan ang binata ngunit nakuha na nito ang kaniyang oo. “Hayop ka rin ano? Malay ko bang iyong Oo na iyon na pala ang sagot sa panliligaw mo sa’kin?” wika nito kay Raze. Binalot ng malaking ngiti ang labi ng binata na animo’y walang kalalagyan sa sayang kaniyang nararamdaman sa puntong ito. “Tatanga-tanga ka kasi. Pero ang mahalaga, sinagot mo na ako.” inilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga ng dalaga “Nang walang kahirap hirap.” ngiting bulong nito sa dalaga. Hinawi ni Kath ang mukha ng binata na ngayon ay nakatapat sa tenga niya. “Uwi na nga tayo. Giniginaw na ako rito.” akmang tatayo na sana ang dalaga nang hawakan ni Raze ang kaniyang kanang kamay tsaka hinila papalapit