NAGISING si Kath habang ramdam ang yakap ng binata sa kanyang likuran. Hubo’t hubad parin sila.
Akmang tatayo na sana si Kath nang pinigilan ito ng binata kaya bumalik na lang ito sa pagkakahiga sa balikat ng binata.
Ramdam na ramdam ni Kath ang hubong katawan ng binata.
“Mamaya na tayo umawat, I want to hug you pa.” bulong ni Raze sa dalaga.
“Tanghali na, tsaka I want to take a shower.” paliwanag pa ni Kath sa binata.
Hinayaan na lamang ng binata na tumayo ang dalaga. Agad na kinuha ni Kath ang bathrob niya sa bag tsaka dumiretso na sa bathroom upang maligo.
Ninamnam ni Kath ang bawat lamig ng tubig, dumadaloy sa buong katawan niya ang malamig na tubig, bahagyang natigilan ang dalaga nang mapansin ang kiss mark sa hita niya.
Bakat na bakat dito ang halik ng binata. Agad niyang naalala ang bagay na kanilang ginawa kagabi. Napangiti na lamang ang dalaga. She can’t believe on what hey had done last night, labis ang saya na kaniyang nararamdaman sa puntong iyon at nananabik na siyang ulitin ang bagay na iyon.
Nang matapos sa pag-shower, agad na isinuot ni Kath ang bathrob nito tsaka isinuot.
Bumalik si Kath sa kwarto at nadatnan niya ang binata na halatang kakasuot lang sa boxer nito.
“Mind if you go outside? Magbibihis lang muna ako. And I guess you must do shower narin?” wika nito sa binata.
Ngumiti na lamang si Raze at sa halip na lumabas ay nanatili itong nakaupo sa kama at nakatingin sa dalaga.
Kath raised her eyebrow tsaka napakabit balikat.
“Please?” wika nito sa binata.
He grinned. Hindi maiwasang matawa ang binata sa reaksiyon ng dalaga. Namis niyang inisin ito.
“What if I will watch you naked while wearing your clothes?” ngiting sambit nito.
“Hindi ako komportable kung may naninilip habang nagbibihis ako.” inis na wika ni Kath sa binata.
Humiga si Raze sa kama.
“Ngayon ka pa maiilang, we did something last night.” ngiting sambit ni Raze sa dalaga.
Agad na nilapitan ni Kath ang binata tsaka kinuha ang unan at idiin sa binata.
“Lalabas ka o hindi?” galit na wika nito.
Naalarma ang binata dahilan upang mapatayo ito.
“I’ll order foods na muna, dalian mo diyan.” wika nito.
Wala naman sa utak ng binata ang panuorin ang dalaga habang nagbibihis, namis lang talaga niyang inisin ito.
Bago paman dumiretso ang binata sa Bathroom, nag order na muna ito ng makakain.
Hinubad na lang ni Raze ang kasuotan niya tsaka ninamnam ang lamig ng tubig.
Matapos na maligo, dumiretso na ang binata sa kwarto nila upang magbihis, nandoon pa rin si Kath, nakaharap lang sa salamin habang abala sa pagsusuklay sa kaniyang buhok.
Maraang humakbang ang binata sa likuran ng dalaga tsaka ito niyakap.
“We’re fresh.” bulong nito kay Kath.
“Then?”
“Round two?” ngiting sambit nito dahilan upang mapatingin ang dalaga sa mukha ng binata sa repleksiyon doon sa salamin.
“Round mo mukha mo. Diyan ka na nga!” agad na hinawi ni Kath ang pagkakayakap ng binata tsaka ito lumabas sa kwarto.
Nagbihis na lang ang binata. Hubo’t hubad itong nakaharap sa salamin.
“Hindi ko masisising maraming babaeng nagkakainteres sa’kin.” wika nito sa sarili tsaka ngumiti.
NAKAUPO si Kath sa sala habang nanunuod ng TV. Bahagya itong tumingin sa pinto nang may nagdoorbell rito.
Agad na binuksan ni Kath ang pinto tsaka bumungad sa paningin niya ang delivery boy na dala-dala ang mga pagkain.
“Your order po ma’am.” abot pa ng pagkain sa dalaga.
“Thanks.” tinaggap na lamang ni Kath ang mga pagkaing nakabalot pa sa plastic.
Gutom narin ito kaya she can’t wait to taste it and eat.
“Kain na.” yaya pa nito sa binata.
Sabay na silang kumain sa mesa.
“Saan mo nga pala balak ngayon? ” tanong ni Kath sa binata. Napatigil sa pagsubo si Raze tsaka hinarap ang dalaga.
“Speed Boat tayo?” tanong nito.
“Okay.”
Matapos silang kumain ay dumiretso na sila sa kwarto upang ihanda ang kakailanganin sa trip. Nananabik ang binata na mamasyal sa karagatan kasama ang dalaga.
“Let’s go?” yaya pa nito sa dalaga.
Sabay na silang nagtungo sa elevator. Dala-dala ni Raze ang isang bag.
Nang makarating sa gilid ng dagat, agad nilang nilapitan ang lifeguard upang manghiram ng speed boat.
“Brad? Gusto namin ng isang speed boat.” wika pa ni Raze.
“Pwede niyo pong hiramin ang mga nakaparadang speed boat, but there are terms and conditions to be followed sir.” sagot nito.
“Okay, ano po iyon?” tanong pa ni Kath.
“Hindi po kayo pwedeng lumagpas sa three kilometers from this resort, dapat po five PM nakabalik na kayo sa resort.” Wika nito sa dalawa.
Isinuot na lang ng dalawa ang life jacket na binigay pa sa kanila.
Agad na kinuha ng binata ang isa sa nakaparadang speed boat sa gilid ng dagat.
“What are you looking at? ‘lika na!” wika nito sa dalaga.
Maraang sumakay si Kath sa likuran ng binata dala-dala ang isang selfie stick na doon pa nakalagay ang camera ng dalaga.
Pinaandar ni Raze ang speed boat tsaka pinaharurot. Naramdaman ni Kath ang isang maluwag na pakiramdam habang pinaikot-ikot ng binata ang speed boat.
“Do you want to go there?” turo pa ni Luke sa isang maliit na isla na may kalayuan pa sa resort.
“Plano mo bang lumabag sa kondisyon? Mag-isa ka doon.” wika pa ng dalaga.
“You’re so hot naman!” ngiting sambit nito sa dalaga.
Binatukan na lamang ng dalaga ang balikat ng binata.
Kahit na saang parti ng dagat gustong pumunta ng binata ay magagawa niya, walang magawa ang dalaga kung tutuusin dahil nakikisakay lang ito.
“Kapit ka ah!”
Naalerto ang dalaga nang biglang pinatakbo ng binata ang speed boat dahilan upang mapayakap siya sa tiyan ng binata. Malapit na niyang mabitawan ang cellphone kaya hindi maiwasang mainis ang dalaga.
“Umayos ka nga!” sigaw nito sa binata.
Hindi nagsisising ginawa ni Raze ang bagay na iyon dahil agad niyang naramdaman ang mahigpit na yakap ng dalaga na siyang kanina pa niya gustong maramdaman.
Ilang oras na silang lumilibot sa dagat. Hindi sila nagsasawang libutin ang iba’t ibang tanawin malapit sa resort hanggang sa nainip ang binata.
Gusto niyang mag-adventure kaya naisipan niyang puntahan ang islang kaniyang tinuro kanina.
Gusto niyang mamasyal hindi lang sa karagatan kung hindi sa kagubatan kasama ang dalaga.
“Malayo layo na ang narating natin ah? Baka gabihin tayo.” pagaalalang wika ni Kath sa binata.
Hindi parin pinansin ng binata ang sinabi ng dalaga at sa halip ay nagpatuloy parin ito hanggang sa matanaw nila ang isla.
“Ang layo na nito Raze! Baka maubusan tayo ng gasulina at hindi na tayo makabalik sa resort.” wika nito sa binata.
“Trust me, tsaka kung mangyayari man ‘yan, I have an emergency equipments here. ”
Hinayaan na lamang ng dalaga ang binata sa kung anong gusto niya. May tiwala naman siya kay Raze. Sa ilang buwan nilang pagsasama ay ni isa hindi siya nito pinapahamak.
Agad na itinabi ni Raze ang speed boat. Alas tres na ng hapon kaya hindi maiwasang magalala ang dalaga pero pinilit parin siya ng binata.
Noon pa man ay mahilig na sa adventure si Raze, lalo na sa mga kagubatan, he want to discover new places at ngayon lang niya nakita ang islang ito kaya agad itong nagkaroon ng interes upang mamasyal.
“Uwi na tayo, dumidilim na oh!” yaya pa ng dalaga.
Hawak hawak ni Raze ang kamay ng dalaga habang abala sa paglilibot ng gubat.
Punong-puno ng ibon, mga malalaking puno na animo’y parang nasa engkantadya ka. Isang gubat na sa pelikula mo lang makikita.
“Mamaya na, nagenjoy pa ako eh!” wika nito sa dalaga.
Six-Thirty na ng hapon nang mapagpasyahan ni Raze na bumalik sa Resort. Malapit na sila sa dagat nang bumuhos ang malakas na ulan.
Ginaw na ginaw ang dalaga. Hindi maiwasang magalit si Kath sa binata dahil sa dinanas nila ngayon, kung nakinig lang sana ito sa kaniya kanina na bumalik sa resort ay sana hindi nila ito maranasan.
Basang basa si Kath at ang binata habang nilalakbay ang kagubatan pabalik sa kung saan naroroon ang kanilang speed boat.
Napahinto na lamang si Raze nang makita ang isang kuweba.
“Sumilong na muna kaya tayo doon? Total nagdala naman ako ng makakain at lights, we can stay there until the rain stop.” wika nito. Hindi na lang pinansin ng dalaga ang sinabi ng binata.
Agad na hinila ng binata si Kath. Wala ng ibang nagawa pa ang dalaga but to be with him. Madilim na rin ang paligid kaya mas mabuting doon na muna sila mamalagi sa kuwebang tinutukoy ng binata habang bumubuhos ang malakas na ulan.