SHAIRA Lutang ako habang nakaharap sa burol ng mama ko. Ang babaeng ginawa ang lahat para sa amin ni Reign kahit hindi niya kami kaano-ano. Ang sakit, ang lungkot sobrang nanghihina ako at hindi ko alam kung kanino ako kakapit ngayon lalo na ramdam ko na mag-isa na lamang ako. Malaking bahagi ng buhay ko ang nawala sa akin sa pagkawala ni Reign tapos heto naman at iniwan ako ni Mama Zeraphine. Bihira lang akong mapalapit kahit kanino kaya ang hirap bitawan lalo na at attached na ako. Hindi kasi madali sa akin ang magtiwala dahil may trust issue ako sa paligid ko maging sa mga taong nakakasalamuha ko. Masaya na ako na kami-kami lang pero ang saklap na pareho nila akong iniwan. Laking pasasalamat ko na lang na narito si Jasmine at Jordan na siyang umalalay sa akin. Kahit paano ay ma

