SHAIRA Maghapon akong naging abala sa dami ng trabahong tinambak sa harapan ko ng kasama kong sekretarya. Hindi lang ako umimik kahit panay ang mga kung ano-anong sinasabi niya hanggang sa napuno na ako at pinandilatan ko ito ng mga mata. Paano kasi alas tres na ng hapon pero kahit tubig ay hindi ko magawang makainom dahil mukhang gusto niyang tapusin ko ito ngayong araw samantalang ilang linggo ng tapos ang deadline. Mukhang tamad itong babaeng katabi ko na panay ang dotdot ng cellphone at maya't maya na lang tinitingnan ang colorful na mukha sa salamin. Para siyang batang nasa kinder na pinaglaruan ang pintura kaya na punta sa mukha. Ewan kung saang sulok na naman na punta ang bruha dahil bigla na namang na wala sa tabi ko. Maya-maya ay bumukas ang pintuan at madilim ang mukha na

