SHAIRA "Liam gising," panay ang yugyog ko sa mahimbing na natutulog na si Liam sa tabi ko. Kanina pa kasi ako hindi mapakali ka tabi nito at lalong hindi makatulog kahit alas tres na ng madaling araw. Actually, nagising lang ako ng bandang ala una ng madaling araw dahil sa hindi magandang amoy na na-a-amoy ko sa buong silid. Binuksan ko na ang lahat ng bintana pero hindi ko pa rin gusto ang amoy dito sa silid. Kanina pa ako hanap ng hanap at naikot ko na ang lahat pero hindi ko matuloy kung saan. Kaya kanda haba na ang nguso ko ng matunton ko kung saan galing ito. "Liam ano ba, gising sabi," inis na tampal ko sa balikat nito. "Bheb naman inaantok pa ako. Anong oras na ba?" pupungas-pungas na tanong nito. Nakapamewang na nakatayo ako sa harap nito habang hindi na talaga makatiis na in

