SHAIRA Sa wakas nakauwi at nakabalik rin kami ni Liam dito sa Manila matapos ang mahigit isang linggo na pananatili sa Subic. Daig ko pa ang nagbakasyon sa dami ng tanong ni Jasmin na ngayon ay panay ang kain ng mangga galing sa puno sa likod bahay ko. "So, kumusta na kayo ni papa L? Kumusta ang pag-iimbestiga mo sa kan'ya?" curious na tanong ni Jasmin habang panay ang subo ng pira-pirasong mangga. "Bakit mo naitanong? Teka bakit ba panay ang kain mo n'yan? Hindi ka ba nabubusog sa dami ng na ubos mo?" naka-ngiwi na tanong ko. "Hoy Shaira, 'wag mong ibahin ang usapan ako ang na unang nagtanong," sabi na naman nito na nilantakan ang bagoong. "Bakit gan'yan ang mukha mo? Ang sarap kaya. Manibalang talaga pinili ko para crunchy. Mas masarap talaga kapag ganitong naka-sawsaw sa bagoong.

