SHAIRA Walang imikan na lumabas kami ng building na pag-aari pala ng pamilya ng pinsan ni Liam na si Khen. Hindi na ako magtataka dahil ng malaman ko kung sino ito ay na gulat ako dahil kilala ko sa pangalan kung gaano kayaman si Marco Smith ang ama ni Khen na isa sa top billionaire sa bansa. Kaya pala mayaman sina Liam bagay na pinagtataka ko dahil mula talaga pala sila sa may kayang pamilya malayo sa hinala ko base sa status at posisyon ng daddy niya bilang sundalo. Napabuntong-hininga na lang ako habang naka-upo at seryosong nagmamaneho si Liam pabalik sa opisina nito. Hindi niya ako kinikibo kaya na tahimik ako lalo na at may tupak din naman ako hanggang ngayon. Mamaya mag-init ulo ko sa kung ano ang marinig ko mula sa kan'ya mahirap na at baka kung ano pa masabi ko. Ayaw kong ma

