SHAIRA "Ummmm," masakit ang ulo na daing ko ng magising ako na nakahiga sa malambot na kama habang hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko na nangangawit at madilim pa rin ang paningin ko kahit nakadilat na ang mga mata ko. Naguguluhan na sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero bigo akong makakawala sa mahigpit na nakatali sa mga kamay at paa ko. Panay ang baling ko paulit-ulit ng ulo ko sa pag-asa na lumuwag ang tali na nakapiring sa mga mata ko pero bigo ako. Mahigpit kasi ito at hindi basta na lang matatanggal gaya ng inaakala ko. Malakas na kumakabog ang dibdib ko matapos na marinig na bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan ko. "May tao ba d'yan? Hoy, kung sino ka man na animal ka, pakawalan mo ako dito!" gigil na sigaw ko. Magkahalo ang takot, galit at kaba na nararam

