UMARTE AKO NA ABALA SA CELLPHONE. Kasalukuyan kasi akong nakahiga na sa kama ko, habang si Leon naman ay inilalatag ang manipis na banig sa lapag. Paminsan minsan ay pasikreto akong sumusulyap sa kanya pero agad ko ring ibabalik ang tingin ko sa cellphone ko kapag napapansin kong titingin siya sa akin. I think it was around nine the evening. Balak ko na kasing magpahinga. Hindi ko maiwasan ang maawa sa kanya lalo pa’t kagaya ng sinabi ko, tiyak ako na sasakit ang katawan niya. Lumaki siya sa marangyang buhay, at alam ko na ni minsan ay hindi pa niya nasusubukang matulog sa matigas na higaan, pero heto siya ngayon, ginagawa iyon para lang mabantayan at maalagaan ako kagaya ng sinabi niya na gusto niyang gawin. Nang matapos na siya sa paglatag ng banig, ang akala ko ay matutulog na siya