NAPABUNTONG HININGA AKO AT TUMINGIN SA LABAS NG SASAKYAN BAGO HUMIKAB. Kasalukuyan kasing nagmamaneho si Leon at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kagagaling lang namin sa clinic ng isang OB/GYN para ipa-checkup niya ako. Dr. Mariano is her name, and she just ran some tests and confirmed that I am already four weeks pregnant. Tapos ay bumili rin si Leon ng isang libro na patungkol sa mga babae na nagdadalang tao para raw alam niya ang mga dapat naming gawin. Before we left the clinic, she reminded us to come back for a monthly checkup. I was sleepy the whole time. Ni wala nga akong maintindihan sa mga sinasabi ni Dr. Mariano, mabuti na lang at nandoon si Leon para kumausap sa doktor sa buong oras na naroon kami. “Are you sleepy, love?” marahan ang boses na tanong niya habang p