I THREW MY WIFE A GAZE AND SMILED. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga kami saglit sa opisina. Ako na nga sana ang magliligpit ng mga pinagkainan namin pero inunahan na niya ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya kasi ang sinabi niya ay gusto niyang kahit na papaano ay mapagsilbihan at maalagaan niya ako. It’s making my heart flutter, to be honest. Noong ikinasal kami ni Astrid sa amerika, ito ang akala ko na mararamdaman ko. Pero wala akong sinabi kahit pa simula pa lang ay may mali na. Hindi ko sinasabi na minahal at pinakasalan ko si Precy dahil naramdaman ko sa kanya ang mga bagay na gusto kong maramdaman sa isang asawa. Ang sinasabi ko lang ay… siguro kaya nangyari sa akin ang lahat ng sakit na iyon para matagpuan ko ang isang mabuting babae na makakasama ko na sa