I WAS SO HAPPY THE NEXT DAY. Ganadong ganado ako pagkagising ko, pakanta kanta pa ako habang nasa banyo, at hanggang sa makaalis na ako’t makarating sa opisina ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Nothing happened between me and my wife last night, but we torridly kissed for maybe about thirty minutes or more. Pero siyempre, may pahinga naman iyon. Mag-uusap saglit o kuwentuhan tapos ay halik na naman. Bawing bawi ako mula sa sobrang pagod na naramdaman ko sa trabaho dahil sa make out session namin ng asawa ko kagabi, kaya hindi na rin nakakapagtakang sobrang good mood ako pagkagising namin. “Good morning, Sir Leon, mukhang good mood tayo ngayon, ah?” nakangiting saad ni Ysa pagkapasok ko sa mismong opisina ko. Naroon na kasi silang dalawa ni Karla. “Good morning, guys!” masa