IT WAS AROUND FIVE THIRTY WHEN I GOT HOME. Nakakatuwa nga kasi naabutan ko pa roon sina Ysa at Karla na masayang nakikipagkuwentuhan sa asawa ko sa sala ng bahay namin, habang ang anak naman namin ay mahimbing na natutulog sa crib. “Sir,” halos sabay pa na bati nina Ysa at Karla nang makita ako. “Hey,” bati ko na lang pabalik tapos ay agad na dumiretso sa asawa ko, bahagyang yumuko para mahalikan siya sa pisngi. “I missed you,” malambing na bulong ko pa tapos ay umupo ako agad sa tabi niya para magpahinga. Narinig ko ang paghagikgik nina Ysa at Karla dahil doon. Ngumisi lang ako at hinayaan ko na lang sila. I mean, I am not afraid to act in love with my wife in front of everyone. “Kumusta ang trabaho?” nakangiting tanong sa akin ng asawa ko. “I missed a lot, so yeah, I also worked a l