BAKIT NANDITO SI CANARY? Siya ba ang papalit kay Astrid? Bakit sa dinami-dami ng mga magagandang modelo ay siya pa? “Canary?” hindi makapaniwalang tanong ko, nilingon ko pa si Leon at ngumiti lang siya sa akin bago marahang tumango. “Precy, I… I really want to talk to you,” mababa ang boses na saad niya. “You see, I want to apologize for what I did to you,” paninimula niya. “Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako, o maging magkaibigan tayo, but I just want you to know that I am sincere,” dagdag pa niya kaya napangiwi ako. “Ano ang nakain mo, girl?” tanong ko. “I’ve learned my lessons now, Precy. You see, Astrid was the one who helped me to get into modeling. Kaya hinayaan ko rin na ma-control niya ako, without even caring of the things that other people might think of me. Kasalanan ko