MALAKAS na napamura si Travis Rigor nang ganap na makalayo ang kotse na lulan si Mr. Dela Cruz. Hindi na nila ito mahabol. Naghalo ang galit at takot sa kanyang dibdib. Nag-aalala siya na baka mandilim ang paningin nito sa galit dahil sa ginawa nilang panlulusob at basta na lang patayin ang pamilya ni Jake. No! May alas din siyang hawak. Sigurado siya na hindi ito gagawa ng hakbang na ikapapahamak ni Marvin. Kailangan na naman niya mag-isip nang panibagong paraan para mautakan si Mr. Delacruz. Inilabas niya ang kanyang cellphone at pinindot ang numero ng isa niyang tauhan na naiwan sa hideout. “Dalhin niyo si Marvin sa Frost Peak, magkita-kita tayo roon!” tagis-bagang sabi niya nang marinig ang boses ng kanyang tauhan. Hindi na rin niya hinintay ang sagot nito dahil agad niyang pinindo