LABIS ang pag-aalala ni Travis Rigor sa kanyang ina dahil pinasok ito sa operating room para makuha ang bala na bumaon malapit sa dibdib nito. Ang sabi pa ng dotor ay maliit ang chance na mabubuhay ito, magpagayun pa man ay gagawin daw ng mga ito ang lahat para magtagumpay ang operasyon. Hindi niya akalain na mabilis kumilos sina Belinda at Marvin na sa loob lang ng dalawang araw ay nakabuo na kaagad ang mga ito ng plano. Hindi alam ng kanyang magulang na mas napahamak ang mga ito nang humantong sa Reyes high way para iligaw ang nakabuntot ng van sa mga ito Kapag hindi napagtagumpayan ng kanyang ina ang operasyon ay walang ibang dapat na sisihin kundi siya. Nautakan at naunahan siya ni Belinda at Marvin. Hindi man lang niya ito nagawang protektahan. Sa kabutihang palad ay ligtas na si T