TUMINGIN si Travis Rigor sa likuran. Malayo na sila pero hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman niya na matinding takot, kaba at pagod. Mabilis pa rin ang pagtaas-baa ng kanyang dibdib. Humihingal. Pumikit siya. Pilit kinakalma ang sarili ngunit hindi pa man bumabalik sa normal na pagtibok ang kanyang puso ay hinablot na siya sa kwelyo ni Theodore. Madilim ang anyo nito. “Bakit gusto mo akong patayin?!” tanong nito na naglitawan ang lahat ng ugat sa leeg. “Dahil kasabwat ka ni Belinda!” “What?” Mas lalong nalukot ang mukha ni Theodore. Pagkuwa’y binalingan ang driver. “Ihinto mo ang taxi. Dito na lang kami!” Kinuha nito ang wallet sa loob ng suot na amerikana. Inilabas nito ang lahat ng perang papel. Basa iyon at sa tantiya niya ay nasa mahigit sampung libo. “Bayad namin. Ikaw na bah