CHAPTER TWO

1471 Words
NAKATINGIN si Travis sa kanyang asawa at kay Marvin na naglalaban ng kick boxing sa ring. Katatapos lang din niya mag-ensayo. Pawisan siya. Humihingal at kasalukuyan na nagpapahinga. Natutuwa siya na humuhusay na si Marvin. Ilang beses na nitong napabagsak ang kanyang asawa na halimaw na sa naturang sport. Nagkakaroon na rin ng muscle ang patpatin na katawan nito. “Time out.” Deklara niya nang makitang bumagsak na naman si Belinda at pinuluputan na ni Marvin para hindi makalaban. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paglunok ni Marvin sa pagkakadikit ng katawan nito sa kanyang asawa. Good thing na lampa lang ito ngunit hindi bakla. Normal lang ang reaksyon nito dahil hindi nga naman matatawaran ang taglay na alindog ni Belinda. Hindi naman siya nakaramdam ng selos sapagkat kumpyansa siya na malisya iyon kay Belinda. At hindi ang tipo nito ang papatol kay Marvin na may ordinaryong mukha at katayuan sa buhay. Agad na tumayo ang mga ito. Nauna ng bumababa ang kanyang asawa sa ring. Lumapit sa kanya. Agad naman niyang hinapit ang katawan nito. Pinagdikit ang katawan nila. Dumapo ang bibig niya sa pawisan na leeg nito. “Smells nice,” bulong niya sa tenga nito. Binuhat niya ito at pinatong sa table na naroon habang nakapulupot ang kamay nito sa batok niya. Balewalang naghalikan sila ng kanyang asawa. Silang tatlo lang naman ang nandoon. Pagmamay-ari niya ang naturang gym kaya walang ibang makakapasok. Si Marvin naman ay nakatalikod sa gawi nila habang nagpapalit ng t-shirt. “I wanna make love to you right here,” sabi niya sa pagitan ng halik nila ni Belinda. “That would be exciting, honey.” Nang matapos sa pagbibihis ay binitbit nan i Marvin ang training bag at saka lumabas ng gym na iyon. Ngumisi siya na muling siniil ng halik ang kanyang asawa na buong kapuskan na rumesponde sa kanya. Binuhat niya ito paakyat sa boxing ring. Pagkatapos ay inihiga doon. Lumuhod siya sa harap nito habang naghuhubad ng gym sando. Buong paghanga na tinitigan ni Belinda ang kanyang abs. Ilang taon na silang mag-asawa ngunit hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito kapag nakikita ang hubad niyang katawan. Umupo pa ito para haplusin ang ang impis niyang tiyan at dampian ng magagaan na halik. Hinawakan niya ang buhok nito para isubsob ang mukha nito doon. Kaagad naman nakuha ng kanyang asawa ang gusto niyang mangyari. Bumababa ang bibig nito papunta sa kanyang pusod, hanggang sa dumako sa kanyang puson habang ang kamay nito ay abala na sa pagbaba ng kanyang shorts. “s**t!” Malutong niyang mura na agad tinaas ang shorts nang may marinig na paparating na yabag. Lumitaw ang janitor galing sa kaliwang bahagi ng gym. Pasipol-sipol. May hawak na balde at mop. Sa palagay niya wala naman itong nakita. Bumangon si Belinda. Tinawanan siya nang marahas siyang bumuntong-hininga. Minsan lang kasi maging intimate ng asawa dahil pareho silang busy. Kahit sa iisang bahay lang sila nakatira ay madalas pang hindi magtapo ang landas nila sapagkat palagi siyang out of the country. O minsan ay masyado na siyang ginagabi sa pag-uwi kaya nadadatnan niya itong tulog na o ‘di kaya nagpupuyat sa mga pinag-aaralan ng dokumento ng kompanya niya, tapos hindi pa pwede maistorbo. Dala na rin ng pagod ay hinahalikan na lang niya ito at dumeretso na sa pagtulog. Malaki ang pasalamat niya kay Belinda. Malaki ang paghalili nito sa Rigor Empire – pangalan ng kompanya niya. Hindi matatawaran ang dedikasyon nito. Iyon nga lang, ang kapalit ay ang kawalan ng oras sa kanya. Umungol siya sa sobrang pagkapikon. “Let’s go home. Sa mansyon na lang natin ituloy,” bulong sa kanya ni Belinda. “Alam mong marami pa akong gagawin. May appointment pa ako kay Mr. Nakajima.” “No problem.” “Babawi ako next month. Magbabakasyon tayo kahit saan mo gusto.” “Iyan din ang sabi mo noong nakaraan.” Iling ng asawa. Noong nakaraang buwan kasi ay ito na mismo ang nagyaya sa kanya na magbakasyon. Masyado siguro itong stress sa pagtutok sa kompanya. Kaagad naman siyang kumuha ng ticket papunta sa Maldives ngunit sa araw ng flight nila ay nagkaroon ng problema. Lumubog daw ang barko nila. Mabuti na lang nagawang i-rescue ang mga trabahador niya bago pa tuluyan lamunin ng dagat ang barko. Malaki ang nalugi sa kompanya. Idagdag pa ang mga binayaran nila sa kargamento. At nitong huli nga ay nadiskubre pa ang pagnanakaw ni Mr. Dela Cruz na umabot ng mahigit sampung milyon. “’C’mon, umalis na tayo,” Humabol sa kanya ang asawa nang magpatiunan na siya sa exit ng gym. May dalawang kotse na naka-park sa labas. Sa kanya ang Lamborghini Aventador at BMW X6 naman ang kay Belinda. Hindi na sila magsasabay sapagkat iba ang distansyon nila. Uuwi pa ito sa kanilang mansyon para magbihis. Samantalamg sa hotel na lang siya kung saan sila magkikita ni Mr. Nakajima magpapalit ng damit. Si Marvin ang may bitbit ng susuotin niya business suit. Malamang nauna na ito sa naturang hotel. Nagtapos si Marvin sa kursong Business Administration na isang c*m Laude. At gaya ng pangako niya ay niregaluhan niya ito ng sariling kotse, para convenient na rin para sa kanila. “Bye, Take care, Honey,” sabi ni Belinda na humalik sa kanyang labi. Pumasok na ito sa sariling kotse. Wala itong bodyguard o driver dahil ayaw nitong may bumubuntot dito. Ganoon din sana ang gusto niya pero wala siyang mapagpipilian dahil maraming nagbabanta sa buhay niya – mga kalaban sa negosyo o mga taong na-agrabyado niya. Pinasibad na ng kanyang asawa ang kotse nito. Papasok na rin sana siya sa kanyang kotse nang makarinig ng sigaw. Paglingon niya ay nakita niya ang isang babae na may hawak na kutsilyo patakbong sumugod sa kanya. Mabuti na lang at alerto ang kanyang bodyguard. Naharang nito ang babae na isang iglap lang ay nagawa nitong ibuwal sa lupa sabay agaw ng kutsilyo. “Bitiwan mo ako! Papatayin ko ang lalaking iyan!” sigaw ng babae. Nagpupumiglas. Luhaan. “Walang hiya ka! Ano ang ginawa mo sa Daddy ko?!” Kilala ni Travis ang naturang babae. Si Gladys – anak ni Mr. Dela Cruz. Minsan na siya nitong inakit. At humantong naman sila sa kama. Akala nito ay makakahuthot na ito ng pera sa kanya, wala yata itong ideya kung gaano siya katuso. Sa huli ay talunan ito. “Your father is obviously fine,” tinatamad na sagot niya. Tumingin sa relong pambisig. “Wala akong time sa drama mo, Gladys. I’m late with my appointment.” “Fine dahil hindi namatay ganoon ba? Nandoon ngayon sa hospital ang Daddy ko! Nanganganib na malumpo! Tapos may pulis pang kukuha sa kanya!” “Oo dahil ipapakulong ko siya sa kasong pagnanakaw.” “Halimaw ka, Travis! Wala kang puso! Alam mong nagawa lang iyon ni Daddy para pang opera sa ina kong may cancer!” Sinisikap ni Gladys na makaalis mula sa pagkakakadagan dito ng kanyang bodyguard pero walang laban ang lakas nito. Hindi lingid sa kaalaman niya na-diagnose na may cancer ang asawa ni Mr. Dela Cruz na si Linda at kailangan na maoperahan kaagad. Naawa naman siya kahit papaano kaya nagbigay siya ng tulong. Ngunit hindi niya akalain na ang operasyon ay gagawin pa sa ibang bansa at hindi biro ang gastusin. Doon na siya nagsimula magduda kung saan kumuha ng malaking pera ang manager kaya pinaimbestigahan niya ito. Nalaman nga niya ang pagnanakaw nito sa kompanya. Ayaw pa naman niya na pinagtataksilan siya kaya nagalit siya ng husto. “Sana binigyan mo ng chance si Daddy! Namuti na lang buhok niya sa pagseserbisyo sa kompanya ng angkan niyo. Sa tagal niyang naninilbihan ay hindi mo man lang siya binigyan pangalawang pagkakataon! Anong klase kang tao?!” Bumutong-hininga siya. “Enough, Gladys. Kung uulitin mo pa itong pagsugod sa akin ay ipapakulong na kita.” Sinenyasan niya ang bodyguard na bitiwan si Gladys. Nanlilisik ang mata nito ngunit hindi na muling sumugod sa kanya. “Darating din ang araw na babaliktad ang mundo mo, Travis. Ikaw naman ang iiyak sa pagmamakaawa. May Dios na nakatingin sa lahat ng ginagawa mo at pagbabayarin ka Niya sa lahat ng kalupitan mo.” “Yeah, yeah,” naiiritang sabi ni Travis na kinumpas ang kamay na animo’y nagtataboy ng lamok. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na muling makapagsalita si Gladys. Pumasok siya sa kotse pati na ang kanyang bodyguard. Inutusan niya ang driver na paandarin iyon. Habang sa daan ay magkasalubong ang kanyang kilay. Nasira kasi ni Gladys ang kanyang araw. Awa? Dapat ba niyang kaawaan ang taong magnanakaw? Mabuti sana kung maliit na pera lang ngunit milyon na ang pinag-uusapan. Alam ni Mr. Dela Cruz kung gaano niya binibigyan ng importansya ang pera tapos hindi man lang ito natakot sa kanya? Ibang klase rin ang katapangan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD