Chapter 52 3rd Person's POV "Hihi look! Kieran— may ganitong side din pala si ama!" natutuwa na sambit ni Gallema matapos ituro ang ama na gumagapang patungo sa butas ng pader na humahati sa labasan at sa palasyo. Sinundan nila ang ama na mabilis na tumakbo agad tumayo at tumakbo paalis matapos malampasan ang mga kawal. Sa isip ng prinsesa iyon ang dahilan kung bakit sinisermonan ng mga tagapaglingkod ang child version ng hari. Binaba ni Yago ang roba at tumingin-tingin sa paligid matapos siya makalayo sa palasyo. Maya-maya may binulong ito. "Greg," bulong ni Yago. Sa taas ng puno nakasabit ang isa pang bata. Nakabaliktad ito sa sanga habang may hawak na itim na bag. "Siguradong magfe-freak out na naman ang reyna kapag nalaman nilang nawala ka na naman sa palasyo," ani ni Greg.

