Chapter 16 3rd Person's POV Nalungkot si Gallema habang nakasakay sa karwahe at narinig ang mga sinabi ni Greg. Binilin ng hari na kung may mangyaring hindi maganda at hindi hindi makabalik ang hari sa loob ng isang buwan— gumawa agad sila ng mabilisan na pagpapasya para iligtas nag prinsesa kahit pa iyon ay labag sa batas ng emperyo. Nagmukha iyon isang babala na agad nakuha ng knight. Makalipas ang dalawang araw matapos matanggap ni Greg ang utos na iyon galing sa hari. Sinadya si Greg at Bernard puntahan ng apat na prinsipe. Binilin ni Gaiden na kapag hindi nakabalik ang hari sa loob ng isang buwan. Alisin si Gallema sa palasyo at dalhin sa malayong lugar na hindi makikilala o mahahanap kahit ng hari. Kung sakali din mawalan sa kanila ng balita at lumampas ng tatlong buwan huwag