Chapter 34 3rd Person's POV Dinala ng kawal si Gallema sa Knight's area kung nasaan ang lahat ng knights ng ethereal. Pumasok ang kawal na may gintong bandana. "Draken! Realm!" sigaw ni Thadeus. Lahat ng kawal na namdoon ay napatayo at nagkaniya-kaniyang yuko. Napatigil naman ang dalawang lalaki na kasalukuyang mga nagtataka habang nakatingin sa binatang biglang pumasok sa training room habang may buhat na babae. "Balak mo na ba mag-asawa?" tanong ng binata na may pulang bandana matapos akalaing nandoon ito para ipakilala ang babae. Napalingon si Gallema at parang huminto ang mundo ng prinsesa matapos makita ang apat na kapatid. Sa isang iglap tumalsik si Thadeus. Napatili si Gallema matapos siya mabitawan ngunit bago siya tumama kung saan may mga brasong sumalo sa kaniya. Naa