Chapter 19 3rd Person's POV Pagkadating sa inn. Abot-abot ang sermon na natanggap ng leopard sa mga kawal at sa tagapaglingkod dahil sa nangyari isama pa na pinatakbo ng leopard ang prinsesa. Masama ang expression ng leopard at parang anytime iiyak na ito. Nagtaka si Gallema dahil doon. "Sir Greg, huwag niyo na siya pagalitan," pagitna ni Gallema matapos makita ang expression ng leopard. "Prinsesa, kung gusto niyo makasama ang leopard na iyan. Kailangan ngayon pa lang maturuan natin siya matutong makisama sa mga tao habang bata pa siya. Hindi maganda ang habit niyang umatake na lang bigla," sagot ni Greg na hinihilot ang sentido. "Kung kinakailangan kailangan natin siya ikadena para maiwasan ulit ito mangyari o kabitan ng bagay na maaring makaptigil sa kaniya once na maging agres