Chapter 68 3rd Person's POV "Ha? Nasaan ako?" Bumangon ang isang batang lalaki na nasa pitong taong gulang mula sa pagkakahiga sa lupa. Nakabalot ito sa isang itim na tela. Umupo ito at tiningnan ang mga kamay. Bumakas sa mukha nito ang pagtatakha. "Siguradong pagagalitan na naman ako ni Sonia. Naubos na 'naman ang kapangyarihan ko," bulong ng batang lalaki bago tumayo at tumingin sa paligid. "Ngunit nasaan ako?" tanong ng batang lalaki. Hila-hila ng batang lalaki ang itin na tela habang naglalakad palabas ng gubat. Lakad lang ng lakad ang batang lalaki hanggang sa may makita siyang napakalaking estatwa. Napamangha ang batang lalaki. "Si Sonia! Nandito na siya para sunduin ako!" natutuwa na sambit ng batang lalaki at tumakbo palapit sa iyo estatwa na nasa loob ng harapan ng tem

