Chapter 22 3rd Person's POV Pagkatapos ng nangyari. Hindi na nagawang ikulong ng mga halimaw sina Gallema. Sa halip nagpasalamat pa ang mga ito lalo na ng sina Greg at ang mga kawal ang naglagay ng mga magic tools na binili nila sa paligid ng teritoryo ng mga halimaw para wala ng mga tao ang pumasok doon. Itatago 'non ang village ng mga halimaw. Itatago sila 'non sa mga mata ng mga tao at nanggaling pa ang magic tools na iyon sa emperyo ng mga Hidalgo. "Kailangan niyo na talaga umalis?" tanong ng bata na parang naiiyak matapos iyon ang hilingin ni Gallema kapalit ng ginawa nila. "Kailangan dahil malayo pa ang aming lalakbayin," ani ni Gallema. Nalungkot ang mga bata. Sa konting panahon lahat ng batang halimaw sa village na iyon ay nakasundo ni Gallema. "Hindi ba pwede dito na lan