KABANATA 18: NAKABUSANGOT na si Sir Gideon habang nakikipag-usap kay Sir Matias tungkol sa negosyo na hindi ko naman lubos na maintindihan. Alam ko iyong klase ng pagkabusangot niya, naiinis siya. At alam ko rin kung ano ang dahilan, siguro iyon ‘yong nalama niyang napanuod na ako ni Sir Matias sa Strip Club na pinagtatrabahuan ko. Nakakainis nga naman iyon, pero ano naman ang magagawa ko kung napanuod niya na nga ako? At saka, mabuti nga at napanuod lang. Hindi naman ako naghuhubad talag sa mga strip show ko. Nakasuot pa naman ako ng panty at bra. Kaya lang, kita nga lang ang singit ko. Imbes na magmukmok kahihintay sa kanila na matapos sa pag-uusap, dumiretso na lang ako sa kwarto niya at nagbihis para umalis na. Wala naman na yata kaming gagawwin dahil nabitin na. Ano pa ba ang gagawi