KABANATA 43: HINDI ko sinagot si Sir Gideon, sa halip, tinulungan ko siyang tumayo para pumasok sa loob ng condo ko. Hindi rin naman siya tumanggi at sumama sa akin sa loob kahit na halos tumumba na kami dahil sa bigat niya. Naiilang ako habang nakaakbay siya sa akin at nakahawak ako sa bewang niya. Masyado siyang matangkad at mabigat para sa akin, pero ang mas nakakailang ay iyong pagdikit ng mga katawan namin. Ramdam ko ang init niya, na na-miss ko nang sobra. Kaagad ko siyang pinaupo sa sofa at hinihingal na tumayo nang maayos habang hawak ang balakang ko dahil pakiramdam ko mababalian yata ako ng buto. “Ang bigat mo! Bakit ka kasi nag-iinom-inom? Sana umuwi ka na lang sa asawa mo, sa akin ka pa talaga dumiretso.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakahilig ang ulo niya