KABANATA 47: Valerie’s Point of View: SUNOD-SUNOD na nag-ba-backout ang mga endorsers ko. Maging ang Brandy Molly ay hindi na rin pumayag na palakarin pa ako sa stage nila. Sobra-sobra ang panlulumo ko habang naghihintay kay Manager Awra na sunduin ako rito para ipaliwanag sa media ang lahat. Hindi ako kumikibo pero si Mama naman ang hindi mapakali at kanina pa mura nang mura dahil sa tindi ng galit. “Punyeta, sino bang impaktang inggiterang nag-post niyan sa social media? Masyadong pakialamera sa buhay nang may buhay! Ang ganda na ng buhay mo ‘nak! Bakit hindi na lang nila hayaang maging model ka kaysa pokpok? Mga makasarili! Baka naman mayroong may galit sa ‘yo, ’nak? Inggit sa mga kasamahan mong modelo. Sabihin mo sa akin kung sino at ipapakulam natin!” bulalas niya. “Bwiset, por