KABANATA 3:
Valerie Tasia Morello’s POV:
“UY ‘TE! Nand’yan na naman ang Papsy mong si Sir Gideon. Nakita ko siya sa pinakadulong table, nanunuod sa atin!”
Napangiti ako nang marinig ang sinabi ni Sazha. Nakita ko rin siya kanina, akala ko ngwala… Halos dalawang Linggo na rin siyang narito sa tuwing may sayaw ako. Alam kong ako talaga ang pinupuntahan niya dahil minsan nang sinabi ni Rina na hindi raw pumupunta rito si Sir Gideon tuwing wala ako.
“Hindi ka pa rin talaga inilalabas?” tanong ni Sazha.
Umiling ako. “Hindi e, pero ayos na sa akin dahil itini-table niya ako sa buong gabi.”
“At nagkukwentuhan lang kayo?” Napapalatak ng tawa si Sazha.
I rolled my eyes. “Duh? Kaysa naman malaspag ako ng matatandang customer!”
Napasinghap si Sazha. “Girl! Below the belt na ‘yan!”
Tinawanan ko na lamang siya at nagpatuloy sa pag-aayos. Mas ginandahan ko ang make up ko. At mas sexy ang suot kong kulay red na maxi dress.
Mayamaya lang din ay pumasok na sa dressing room namin si Mima para ibigay ang mga nag-table sa amin. Hindi na ako na-surpresa nang makita ang pangalan ni Sir Gideon.
“Mukhang iba na yata iyan, ‘te!” Hirit ni Sazha. “Kita mo, table ka na naman.”
“Galingan mo, girl! Baka naman ilabas ka na tonight!” si Rina.
Nginitian ko lang sila pareho at ini-flip ang mahaba kong buhok bago tuluyang lumabas bitbit ang purse ko. Agad ko siyang hinagilap sa mga tables lalo na doon sa dulo kung saan ko siya nakita. Ngunit wala na siya roon.
Kaya naman tiningnan kong muli ang papel para tingnan kung anong table siya ngunit halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang sa VIP room kami magkikita. Napuno ng excitement ang puso ko. Sa loob ng two weeks na wala akong ganap bukod sa pakikipag-usap sa kanya, sa wakas ay mukhang matutupad na!
Excited akong dumiretso sa VIP room at naabutan siyang nakaupo sa may pulang couch habang hawak ang baso na may lamang whiskey.
“Come in, Star… or Miss Valerie,” he said.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig na tawagin niya akong Valerie. Hindi niya dapat malaman ang totoo kong pangalan pero bakit ang sarap namang pakinggan 'pag galing sa kanya?
Pumasok naman agad ako sa loob ng VIP room at ini-lock iyon. Huhubarin ko na sana ang suot kong dress ngunit bigla niya akong pinigilan.
“That’s not what I want us to do right now,” aniya.
Tumaas bigla ang kilay ko dahil sa labis na pagtataka… saka ako napatawa.
“Sir, huwag mong sabihing magkukwentuhan lang tayo rito?”
Umiling siya at saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Napaka-gentleman at full of authority ng dating niya. Bad boy ang tipo ko ng lalaki, samantalang siya’y mukhang good boy na sumusunod palagi sa magulang at hindi bastos. Ngunit, bakit nga ba ang isang kagaya niya, nandito sa Strip Club?
“BE MY EXCLUSIVE bed warmer for three months and I’ll pay you a million.”
Ang mga salitang iyon ang tuluyang nagpagulat sa akin.
Abot hanggang tenga ang ngiti ko nang makalabas ako ng VIP room. Within 3 months, magiging milyonarya na ako! Bukod pa roon, hindi pa ako mahihirapan dahil gwapo ang tatrabahuin ko! Patalon-talon pa ako habang pabalik sa dressing room. Pagbalik ko roon, wala na sina Sazha at Rina ngunit naroon naman si Dix na kalalabas lang sa banyo.
“Sira na naman ang flush doon sa dressing room n’yo?” takang tanong ko.
Dix turned his head to me then nodded. “Oo… mukha yatang masaya ka. Ano ‘yan?” Bumaba ang tingin niya sa hawak kong papel—iyong kontrata.
“Ah! Ito? Kontrata!” sagot ko.
Kumunot naman ang noo niya. “Kontrata? Para saan?”
“Hmm, isang milyon ang ibabayad sa akin ni Sir Gideon bilang exclusive stripper niya!” bulalas ko. “O ‘di ba, bongga?”
“Isang milyon? Naniwala ka talaga roon?” takang tanong niya.
“Duh! Sinend-an niya kaagad ako ng 100k sa account ko!” Iniharap ko sa kanya ang cellphone kong naroon pa ang text galing sa bank na gamit ko.
Pero mukhang hindi pa rin siya satisfied. Agad niyang ninakaw ang kontratang hawak ko at pinasadahan iyon ng mga mata.
“Binasa mo ba ‘to?” Halatang galit na tanong niya. “Sabi rito, bawal kang sumayaw rito sa club sa loob ng tatlong buwan. Ikaw ang Star stripper dito sa club, hindi pwedeng wala ka!”
Nagkibit-balikat ako. “Edi mas okay! Para mabigyan ng chance ang ibang stripper dito!”
“Kapag bumalik ka after 3 months, pwedeng hindi ka na tanggapin—”
“Ipinaalam na ako kay Mima, at may komisyon ang Strip Club na 5%! Kaya huwag ka na ngang magalit d’yan!”
Napahilot siya sa kanyang sentido bago tuluyang ibinalik sa akin ang kontrata.
“Nag-aalala lang ako sa ‘yo, baka mamaya abusuhin ka no’n,” aniya pa.
“Hindi naman siguro…”
Wala na siyang magawa kundi ang tumango na lamang. Wala naman talaga siyang magagawa dahil desisyon ko ito at kaibigan ko lang naman siya. Kung minsan umaaktong protective boyfriend iyang si Dix pero sa huli ay wala rin naman siyang magagawa kundi ang bumuntong-hininga.
Hindi makapaniwala sina Sazha at Rina sa sinabi ko at kinwento kong virgin pa si Sir Gideon kaya hindi ako inilalabas. Masaya sila para sa akin, at the same time ay naiinggit dahil ang layo na raw ng narating ko.
Ang layo ng narating… nakakatawang isipin, hindi na lang ako matatawag na pipitsuging pokpok. Isa na akong pokpok na babayaran ng milyon para lang sa totnak!
Kanina pa ako naghihintay sa labas ng building ng Iba Food Corporation pero wala pa namang sumusundo sa akin. Napakainit pa naman at hulas na hulas na ako. Ang lagkit na ng ipinahid kong lotion sa katawan ko. Sanay pa naman akong gabi kung lumabas, feeling ko tuloy nasusunog ako!
“Excuse me, Ma’am Valerie Tasia Morello?”
Napalingon ako sa lalaking kumalabit sa akin. Nakasuot siya ng business suit, nakasuot ng makapal na eyeglasses at maayos na nakasuklay ang buhok.
“Yes?”
“Ako po ang sundo ninyo, naghihintay na po si Mr. Ibarra sa hotel.”
“Hotel? Akala ko magpapa-medical kami?”
“Opo ma’am, pero hindi po pwedeng may makakita sa inyo kaya mga Doctor na po ang pupunta…”
Grabe… nang makita ko kanina ang building ng Iba Food Corporation, nalula na ako sa taas. At ngayong mismong Doctor pa ang pupunta sa amin, mukhang hindi nga talaga basta-basta ang isang Gideon Kit Ibarra!
Sumunod ako kay kuyang naka-eyeglasses hanggang sa makarating kami sa parking area. Naroon ang kulay itim na SUV. Pinagbuksan niya ako at namangha nang makita ang loob.
Ang bango, bukod pa roon ay may aircon at mukhang bago at napakalinis pa ng loob. First time kong sumakay roon kaya naman natatanga talaga ako.
Nang isara na niya ang pinto at siya naman ang pumasok sa driver's seat, nag-umpisa na akong kabahan at ma-excite. Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko sa purse at sinend-an ng text si Sir Gideon.
To Sir Gideon:
Hi, Sir! Nasa black SUV na po ako. Sinundo ako ng lalaking naka-eyeglass! See you! :)
Naglagay pa talaga ako ng smiley sa dulo ng text para mas cute. Kailangang maging successful ito, ayaw kong masayang ang isang milyong ibabayad niya sa akin.
Isang five star hotel ang pinasukan namin. Sobrang overwhelmed ako sa lahat ng mga nakikita ko. Naipasok na ako dati ng isang mayamang customer sa isang hotel pero hindi kasing high-end nito!
Sumakay kami sa elevator hanggang 12th floor. At nang dumating doon ay mas lalo akong pinupog ng kaba. Panay ang kabog ng dibdib ko lalo na nang nasa harap na kami ng pinto at pinagbuksan ako ng driver. Malawak ang hotel room, kaya hindi ko pa kaagad nakita si Sir Gideon. Naglakad pa kami papasok sa loob. Hanggang sa naabutan ko na siya roon sa may kama. May hawak siyang papel habang binabasa iyon at isang lalaking Doctor ang nasa harap niya.
“Good afternoon, Sir,” bati nitong kasama ko.
“Pwede ka nang umalis,” aniya. Nag-angat ng tingin si Sir Gideon sa akin saka marahang ngumiti. “Here’s my HIV result, non-reactive.”
Marahan akong tumango, nagpa-test na pala siya…
“So ako naman? Iyan lang ba ang test?” tanong ko.
“For now, yes. We will have to wait for the result of other laboratory test within the next 3 days,” sagot niya.
Tumango lamang ako kahit hindi ko naman talaga masyadong na-gets. Sumunod na ako sa Doctor na nag-asisst sa akin. Kinuhaan ako ng dugo, tiningnan ang ilalim ng mga mata ko, bibig at dila.
“She seems healthy, Sir,” sagot ng Doctor. “Wala ka naman bang ibang nararamdaman?”
Umiling ako. “Wala po, kakapa-medical ko nga lang last month e. Ayaw kasi maniwala nitong si Sir. Gusto pa talaga niyang umulit ako.”
Nginitian lang ako ng Doctor at tinuloy na ang ginagawa sa akin. Nang matapos at umabot ng trenta minutos ay lumabas din sa resulta na non-reactive ako.
“Thank you, Doc…” ani Sir Gideon. “And I hope you’ll keep in mind about our non-disclosure contract.”
“Yes, Sir.”
Nang tuluyan nang makaalis ang Doctor, ako namang parang tangang naghihintay kay Gideon. Nakaupo pa rin ako sa upuang naroon habang siya’y hinatid pa talaga sa labas ang Doctor.
Ilang saglit lang din ay bumalik na siya hawak ang isang baso ng tubig. Nagpatuloy siya sa paglalakad at iniabot iyon sa akin.
“Tubig ka muna,” aniya.
Nakangiting tinanggap ko iyon. Nang dumampi ang mahahaba niyang daliri sa akin, pakiramdam ko at may dumaloy na kuryente mula roon.
Habang umiinom ng tubig, saka ko lang napansin ang suot niya. Kulay puting t-shirt, at simpleng pantalon lang ang suot niya. Maging ang buhok niya’y nakabagsak lamang hindi kagaya ng madalas na naka-wax pa. Nakatitig lang din siya sa akin habang umiinom ako ng tubig.
At nang tuluyan ko iyong maubos, pinahid ko ang takas na tubig sa gilid ng aking labi.
“Uuwi na po ba ako, Sir?” tanong ko.
Hindi ko na inabalang tanungin kung mag-i-start na ba kami. Kasi baka isipin niyang sabik na sabik ako.
“Hindi, we can start now,” he said.
Nagitla ako nang marinig iyon mula sa kanya. Naupo siya sa kama habang titig na titig sa akin.
“Show me what you’ve got, Star…”
Pakiramdam ko, nakiliti ang kaibuturan ko sa paraan ng pagkakasabi niya. s**t… bakit parang nakalimutan ko na yata ang inilista kong dapat gawin?